'Nanlaban': Umano'y tulak, patay sa Bulacan buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2019 04:25 AM

BULACAN—Patay ang isang hinihinalang tulak sa buy-bust operation sa Barangay Parulan, Plaridel, Bulacan Martes ng madaling-araw.

Nanlaban umano si Ron Aldrin Cruz nang aarestuhin na sana ng mga pulis. Nakuha sa kaniya ang 19 na sachet ng hinihinalang shabu at isang kalibre .38 na baril.

Ayon kay Police Lt. Col. Victorino Valdez ng Plaridel police, big-time na drug pusher umano si Cruz na nagtutulak din sa Baliuag at Pulilan.

"Dati pa binabantayan talaga ito," aniya.

Si Cruz ang ikaapat na suspek na napatay ng pulisya sa loob ng isang linggo mula nang maupo ang bagong hepe ng Plaridel.

"Nanlaban siya sa mga pulis. Nung makita na pulis ang katransaksiyon, pinaputukan kami," ani Valdez.

Dati nang sinabi ng human rights group Amnesty International na pinakamadugo ang giyera kontra droga sa Bulacan.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.