Babae patay sa pamamaril umano ng pamangkin sa Capiz | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babae patay sa pamamaril umano ng pamangkin sa Capiz

ABS-CBN News
Published Aug 26, 2022 03:38 AM PHT

Patay ang isang babae matapos siya pagbabarilin umano ng kaniyang lalaking pamangkin sa Maayon, Capiz, Miyerkoles ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Cherry Deocampo, 45,

Sa imbestigasyon ng Maayon PNP, nakasakay sa kanyang motorsiklo at pauwi na si Deocampo nang tambangan siya ng salarin sa Brgy. Tuburan.

Sa unang putok ng baril ay hindi muna natamaan ang biktima pero binaril siya ulit ng suspek at dito na tinamaan sa likod si Deocampo.

ADVERTISEMENT
Mabilis na tumakas ang pamangkin niya matapos ang krimen.

Dali-daling isinakay ng mga residente sa isang motorsiklo ang biktima para dalhin sa ospital matapos siya matumba sa sariling motorsiklo.

Namatay ang biktima habang ginagamot.
Namatay ang biktima habang ginagamot.
Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Maayon PNP sa motibo sa krimen.—Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT