Tricycle, inararo ng bus sa Tagum City; 5 patay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tricycle, inararo ng bus sa Tagum City; 5 patay

ABS-CBN News
Published Aug 26, 2019 08:41 PM PHT

DAVAO CITY - Lima ang namatay matapos araruhin ng bus ang isang tricycle sa Barangay Canocotan, Tagum City Linggo ng gabi.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Tagum City Police, unang binangga ng isang pick-up truck ang sinusundan nitong tricycle sa highway ng Barangay Canocotan.

Bigla umanong lumiko pakaliwa ang tricycle dahilan para mabundol ito ng pick-up. Tumilapon sa kabilang lane ang tricycle at dito na naararo ng kasalubong na bus.

Patay ang 5 sakay ng tricycle na sina Criselda Ado, 41; Elena Morales, 63; ang mag-asawang Jerson at Desiree Galan, at ang walong taong gulang nilang anak.

Napag-alaman ring apat na buwang buntis ang biktimang si Desiree.

Ayon kay Police Capt. Anjanette Tirador, ang public information officer ng Tagum City Police, nanggaling pa sa hospital ang pamilya para sunduin ang pasyente nilang kaka-discharge lang na senior citizen na si Morales bago nangyari ang insidente.

Kasalukuyang nakakulong sa istasyon ng pulis ang drayber ng pick-up at drayber ng bus. Iniimbestigahan pa ng pulisya kung sino sa kanila ang kakasuhan.