Bata patay sa hit-and-run sa Maynila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bata patay sa hit-and-run sa Maynila

Bata patay sa hit-and-run sa Maynila

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 26, 2019 12:31 PM PHT

Clipboard

MAYNILA- (UPDATE) Patay ang isang batang lalaki matapos masagasaan sa may tapat ng US Embassy sa Roxas Boulevard nitong Lunes ng umaga.

Dead on the spot ang 6 na taong gulang na biktima na kinilala ng kanyang madrasta na si Rona.

Arestado naman ang 22-anyos na suspek na si Benito Lim na nagmamaneho ng isang puting Toyota Innova.

Nagkainitan pa ang mga rumespondeng pulis at ang mga tauhan ng rumespondeng ambulansiya matapos hindi isakay sa ambulansiya ang bata para dalhin sa ospital.

ADVERTISEMENT

Ayon sa tauhan ng ambulansiya, may sinusunod kasi silang protocol sa pagdadala sa ospital sa isang biktima ng aksidente.

Hanggang sa pagbuhat sa bangkay ng bata, nagtalo pa ang mga pulis at tauhan ng ambulansiya dahil sa hindi rin pagpapahiram ng stretcher o kumot man lamang ng ambulansiya.

Napilitan na lang ang mga pulis na ikarga ang bata sa truncheon para maitabi ang bata sa lilim sa gilid ng Roxas Bouelvard.

Hindi pa naman masyadong nakakalayo ang suspek sa pinangyarihan ng insidente nang mahuli siya, ani Police Col. Igmedio Bernalez, hepe ng Manila Police District Station 5.

Kuwento ni Lim, hindi niya sinasadyang mabangga ang bata na bigla umanong tumawid.

Dagdag pa ni Lim, hindi niya sadya na takbuhan ang bata ngunit natakot lang daw siya na baka kuyugin siya ng taumbayan kaya lumayo siya sa pinangyarihan ng insidente.

Mahaharap ang drayber sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.