Milyon-milyon nakuha sa online seller matapos mabiktima umano ng cyber estafa | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Milyon-milyon nakuha sa online seller matapos mabiktima umano ng cyber estafa

Milyon-milyon nakuha sa online seller matapos mabiktima umano ng cyber estafa

Champ de Lunas,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Nakuhanan ng milyon-milyong piso ang isang online seller matapos umanong lokohin ng 5 tao, na nahaharap ngayon sa reklamong cyber estafa.

Dating flight attendant si Camille Ambs kaya nakakapunta sa iba’t ibang bansa at nakakabili ng mga luxury goods sa mas mababang halaga at ibinebenta sa Pilipinas.

Pero noong Abril habang nasa Milan, Italy si Ambs, isang babae ang nakipag-ugnayan sa kanya online.

Sabi ni Ambs, inalok siya ng babae na puwede siyang mag-supply sa kaniya ng ibebentang luxury goods sa mababang halaga.

ADVERTISEMENT

Sa parehong buwan, nakipagkita siya sa asawa ng babae sa Milan at doon din siya napapayag na makipag-deal sa mag-asawa dahil kailangan din nito ng dagdag na supplier dahil marami na rin ang kanyang mga kustomer.

"Nakipagkita po ako at ng asawa ko sa Milan, Italy para icheck po ang authenticity nila at nagbigay po ako at nagbayad po ako ng P300,000," ayon kay Ambs.

Ayon sa abogado ni Ambs, nagtatrabaho sa Milan ang katransaksiyon niyang mag-asawa.

Nagpakita rin ng mga ID ang mag-asawa para makuha ang tiwala ni Ambs.

Naging maayos ang unang 9 na transaksiyon ng mag-asawa at ni Ambs.

ADVERTISEMENT

Ang usapan nila, sa bawat transaksiyon, 50 porsiyento ang ibibigay na downpayment ni Ambs bago kuhanin ng babae ang luxury good.

Pero nitong Mayo, nagkaroon ng failed transaction matapos hindi na-deliver ang in-order na luxury goods.

"After 9 transactions po na-delay-delay, doon na sila nag-start gumawa ng excuses at walang nabigay na kahit anong items, hanggang sa wala ng dumating na items despite ng mga transfer ko online sa bank account ng mga suspek,” dagdag ni Ambs.

Mayroon na ring mga naunang napadalang downpayment sa mga in-order na luxury goods si Ambs na umabot na sa P7.6 million.

Umasa pa si Ambs na maaayos ang transaksiyon at maipoproseso ang refund mula sa mag-asawa mula Mayo hanggang Hunyo.

ADVERTISEMENT

Walang nangyari kaya nagpadala sila ng demand letter nitong Hulyo pero wala pa ring nangyari kaya inipon na nila ang mga ebidensya at nagsampa ng reklamo nitong Agosto.

Watch more News on iWantTFC

Sa pamamagitan ng abogado, dumulog si Ambs sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group at nagsampa ng reklamong cyber estafa laban sa mag-asawa at tatlo pang kamag-anak na sangkot umano sa bank transfers.

“Kinausap ang mga kamag-anak and all relatives nitong si scammer at inaamin talaga nila na ano magbabayad pakaunti-kaunti, so eventually wala din,” ayon kay PNP Anti-Cybercrime Group spokesperson Captain Michelle Sabino.

“Personally pwedeng sign of guilt, pwede that’s one or pwedeng kukunin niya lang yung loob si victim na magbabayad siya paunti-unti then ultimately hindi mo na rin siya malo-locate there are so many possible cases, scenarios na pwedeng mangyari,” dagdag ni Sabino.

"Upon issuance of the warrant magfa-file po kami ng motion for issuance of hold departure order para mapigilan natin yung pagtakas ng suspect at the same time we are working with the ACG cybercrime group para makapagpa-issue po kami ng warrant to disclose po yung computer data involving the bank transactions,” ayon sa abogado ni Ambs na si Atty. Aly Jumarang Limboc.

ADVERTISEMENT

Ang warrant to disclose ay kinakailangan para ma-backtrack ang mga money transfers at mapatibay ang kaso laban sa mga sangkot.

Napag-alaman din ni Ambs na 2021 pa may ibang online sellers na rin ang nabiktima ng grupo.

“Dahil nasa abroad ako at nasa abroad (ang mag-asawa) dali-daling umuwi ng Pilipinas dahil takot po siyang ma-deport nandiyan na po siya ngayon sa kanyang lugar,” ayon kay Ambs.

"Hindi ko po siya ine-expect na mangyayari ito sa akin, sa tagal ko na pong nag-o-online selling hindi ko po matanggap na ngayon pa ako na-scam kung baga sa tagal ko bakit ko hinayaan ang sarili ko na ma-scam," dagdag niya.

Walang planong iurong ni Ambs ang kaso dahil malaki na ang naiabono niya para mapanatili ang reputasyon ng kanyang online business at dahil hanggang sa ngayon patuloy ang panloloko ng grupo sa iba pang online sellers.

ADVERTISEMENT

“Generally yung mga online shoppers hindi namin ine-encourage talaga mag-purchase online kung hindi talaga ninyo personally kilala or talagang you’ve been able to transact with," payo ni Sabino sa publiko.

"Ito, wala tayong problema dito dahil registered, so may mga permit and everything. Rest assured there are a lot in general ng mga online sellers na basta nag-o-online selling lang. Hindi mo alam ang legitimacy kung totoo or hindi ang binibigay. Not everything that you see online is genuine or real,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.