'Walang upuan': Mga estudyante sa paaralan sa Davao Oriental, sa sahig nakaupo habang nagkaklase | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

'Walang upuan': Mga estudyante sa paaralan sa Davao Oriental, sa sahig nakaupo habang nagkaklase

'Walang upuan': Mga estudyante sa paaralan sa Davao Oriental, sa sahig nakaupo habang nagkaklase

ABS-CBN News

Clipboard

Walang maupuan ang mga estudyante ng Maragatas Integrated School sa bayan ng Lupon sa Davao Oriental dahil sa kakulangan sa arm chair sa paaralan.
Walang maupuan ang mga estudyante ng Maragatas Integrated School sa bayan ng Lupon sa Davao Oriental dahil sa kakulangan sa arm chair sa paaralan.

Sa sahig na nakaupo ang marami sa mga estudyante ng Maragatas Integrated School sa bayan ng Lupon sa Davao Oriental dahil sa kakulangan ng mga armchair sa paaralan.

Nasa mahigit 40 ang mga bata sa isang klase.

Ayon sa isang guro, ganito ang sitwasyon sa halos lahat ng section mula Grade 1 hanggang Grade 9.

“Dati rati kasi, complete po yan every rooms. Mayroon kasi tayong nadagdag na junior high school, kaya yung ibang chairs na supposedly for elementary, napunta po sa mga high school. Kaya nagka-short po ng mga upuan,” kuwento ni Philip Medillo.

ADVERTISEMENT

Mula Lunes hanggang Miyerkoles ang pasok ng mga bata sa paaralan. Tuwing Huwebes at Biyernes, module lamang sa bahay.

Buong araw ang klase nila kaya buong araw din nagtitiis sa sahig ang mga bata habang nagkaklase.

Napipilitan nalang ang ibang guro na gumastos ng sarili nilang pera para makapagpagawa ng upuan at mahabang lamesa para sa mga bata.

“Yung sira na mga armchairs dati, kinukumpuni namin. Ang yung isang kasamahan ko, diskarte nalang, nagpagawa nalang ng long table at upuan,” dagdag ni Medillo.

Ayon din sa guro, nahihirapan din na maka-focus ang mga estudyante dahil sa hirap nang sa sahig nakaupo.

Una nang nagbigay ng mga upuan ang Department of Education (DepEd) sa Maragatas Integrated noon. Pero dahil nadagdagan nga ng mga estudyante ngayon, kulang na.

“Nagrequest na kami dati sa district namin, on the process pa daw. Matagal na ilang years na,” ayon kay Medillo.

Sinusubukan pa ng ABS-CBN News na makunan ng pahayag ang Department of Education Region XI ukol dito.

- ulat ni Chrislen Bulosan

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.