'Peak' ng COVID-19 cases sa Kamaynilaan malapit nang maabot - OCTA Research | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Peak' ng COVID-19 cases sa Kamaynilaan malapit nang maabot - OCTA Research

ABS-CBN News
Published Aug 25, 2021 06:35 PM PHT
|
Updated Aug 25, 2021 06:51 PM PHT

MAYNILA - Naniniwala ang OCTA Research group na malapit nang maabot ng Kamaynilaan ang "peak" ng naitatalang kaso ng COVID-19 kada araw sa rehiyon.

"Baka less than 5,000 peak natin tapos magsisimula nang bumaba. 'Pag patuloy na yang bumababa, we’re seeing September pababa na talaga by end of September. Baka by October makakapagluwag na tayo," ayon sa fellow na si Guido David.

Pero babala ni David, kailangan pa rin mag ingat "kasi reversible pa yung trend na ito eh."

Katunayan sa kanilang report, nakikitang bumababa ang reproduction number sa 1.53 porsiyento ng NCR.

ADVERTISEMENT
Pero kahit bumaba ito ay itinuturing pa itong nasa critical range.

Limang siyudad sa Metro Manila ang nakitaan ng critical ICU utilization rate, habang pitong lugar naman ang itinuturing mataas ang ICU utilization rate.

Giit naman ni treatment czar Leopoldo Vega, na nasa moderate risk ang kalagayan ng Kamaynilaan.

Pero kung ikukumpara ang pasyente ngayon at noong Marso at Abril aniya ay mas marami ang pasyente noon.

Tingin din nilang aabot na sa higit 20,000 ang bilang ng mga maitatalang daily COVID-19 cases.

Dagdag ni David, nakikita nilang bumabagal na ang trend ng kaso sa rehiyon, maging sa ilang kritikal na lugar gaya ng Cagayan De Oro at Cebu City.

"Baka magkaroon na ng downward trend sa Cebu City by first week of September. Sa NCR din baka magkaroon na ng downward trend, maaari by 1st week or 2nd week of September. hindi ngayon, hindi pa bukas, sa projection namin, medyo malapit na yan," ani David.

Paalala naman ng eksperto na dapat mas mapatibay pa ng mga lokal na pamahalaan ang active case finding, contact tracing, at testing.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News
KAUGNAY NA BALITA:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT