Mga suspek sa pagpatay sa NCMH chief, tukoy na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga suspek sa pagpatay sa NCMH chief, tukoy na

ABS-CBN News
Published Aug 25, 2020 12:22 PM PHT
|
Updated Aug 25, 2020 07:59 PM PHT

MAYNILA (UDPATE) - Kinasuhan na ang 7 suspek sa pagpatay sa dating direktor ng National Center for Mental Health (NCMH), sabi ngayong Martes ng Quezon City Police District (QCPD).

Ayon kay QCPD director Brig. Gen. Ronnie Montejo, sinampahan ng kasong double murder sa Quezon City Prosecutor's Office ang mga sumusunod:

- Sonny Sandicho
- Clarita Avila (NCMH Chief Administrative Office)
- George Serrano (NCMH employee)
- Harly Pagarigan (NCMH employee)
- Roman Eugenio
- Cristina Riego
- Edieson Riego

Ayon kay Montejo, may kinalaman sa trabaho ang pagpaslang kay dating NCMH director Roland Cortez at sa driver nitong si Ernesto dela Cruz noong ika-27 ng Hulyo sa Barangay Culiat, Quezon City.

Natukoy ang mga suspek sa tulong ng mga pahayag ng mga testigo at nakalap na physical evidence, ani Montejo.

ADVERTISEMENT
Isa pa lang umano sa mga suspek ang naaresto na ng pulisya habang ang iba ay tinutugis pa.

May ilan pang taong iniimbestigahan ang pulisya na hinihinalang sangkot sa krimen.

Napatay si Cortez at Dela Cruz nang tambangan ang kanilang sinasakyan.

Bago mapatay, nakatatanggap ng death threat si Cortez matapos nitong paimbestigahan ang mga kaso ng korapsyon ng NCMH.

Matatandaang nagkaroon ng hidwaan sina Cortez at Avila noong Abril matapos magsalita ang huli tungkol sa sitwasyon ng COVID-19 crisis sa NCMH.

Sinubukan ng ABS-CBN News na kunin ang panig ni Avila pero ayon sa sekretarya nito ay wala siya sa kaniyang opisina at hindi rin ma-contact ang kaniyang cellphone.

Mariin namang itinanggi ni George Serrano ang mga paratang.

Sa isang sulat na ipinaabot ni Eugenio, sinabi niyang wala siyang kinalaman sa krimen at wala siyang kilalang doktor.

Hindi rin umano nagkaroon ng transaksiyon si Eugenio sa NCMH.

Ikinatuwa naman ni NCMH director Noel Reyes ang development sa kaso.

-- May ulat nina Raya Capulong at Doland Castro, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
krimen
crime investigation
Roland Cortez
National Center for Mental Health
Quezon City
QCPD
double murder
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT