Bagyong 'Dindo', walang direktang epekto sa bansa: PAGASA | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bagyong 'Dindo', walang direktang epekto sa bansa: PAGASA

ABS-CBN News
Published Aug 25, 2016 10:01 AM PHT

MANILA - Hindi direktang makakaapekto sa bansa ang Bagyong "Dindo" na nasa hilagang-silangan ng bansa, batay sa abiso ng state weather bureau PAGASA Huwebes.

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni PAGASA weather forecaster Obet Badrina na limitado ang epekto ni Dindo sa pagpapalakas ng southwest monsoon o habagat, pero hindi "kasinglakas tulad ng mga naranasan natin na maaaring magdala ng malalakas na pag-ulan."

Hindi rin anya inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyo na huling namataan 1,035 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes, alas-4 Huwebes ng umaga.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 160 kilometers per hour (kph) malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 195 kph.

Dagdag ni Badrina, pinababagal ng kalapit na low pressure area (LPA) ang galaw ng bagyo Dindo na kasalukuyang tumutulak pa-timog timog-kanluran sa bilis na 4 kilometro kada oras.

Inaasahang lalabas si Dindo sa Philippine area of responsibility, Linggo ng umaga.

DZMM TeleRadyo, 25 Agosto 2016
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT