Pinoy delegates mula UK at Norway, wagi sa WCOPA ‘22 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pinoy delegates mula UK at Norway, wagi sa WCOPA ‘22

Pyx Marfa- London | TFC United Kingdom
Published Aug 24, 2022 08:49 PM PHT
|
Updated Aug 24, 2022 09:00 PM PHT

LONDON - Namayagpag sa katatapos na World Championship of Performing Arts (WCOPA) ang Pinoy-British performers at isang Pinoy singer mula Norway.

Ginanap ang WCOPA ngayong taon sa Anaheim, California mula July 21 hanggang July 30. Nagtagisan ng talento ang mga artist mula sa humigit-kumulang na 70 bansa.

Naging semifinalist, multi-medalist at hinirang na Champion of the World Overall Division winner sa WCOPA’22 ang Pinay-British na si Louise Merssell Monocillo. Napanalunan ni Monocillo ang isang gold, tatlong silver, dalawang bronze at tatlong semifinalist medals.

Pinahanga ng bassist player na si Monocillo ang mga hurado kaya nakuha niya ang silver medal. Sa kategoryang “spokesmodel” naman niya napanalunan ang gold medal at Champion of the World Overall Division winner.

ADVERTISEMENT
“It is my first time to join this kind of competition and I was only given two weeks to prepare while juggling my time studying for my exams and practicing. It is very intense but a rewarding experience,” kuwento ni Monocillo.

Ibinahagi rin ng batang kampeon ang kanyang paghahanda sa pagpasok sa Oxford University ngayong taon kasabay ng isang recording contract offer na kanyang natanggap mula sa Estados Unidos.

Dagdag ni Monocillo, bukas siya sa posibilidad na sumali muli sa WCOPA sa susunod na taon. Isa pang British-Pinay na hinangaan sa kompetisyon ay si Rechelle Cordez. Naging WCOPA semifinalist, multi-gold medalist at 6-time Champion of the World Overall Division winner siya.

Nakakuha si Cordez ng anim na gold, tatlong silver, tatlong bronze at dalawang semi-finalist medals. Award winning song niya ang “How Great Thou Art” sa Gospel category.

Sinalihan din ni Cordez ang modeling category kung saan napanalunan naman niya sa petite division ang evening at casual wear. Nakakuha rin siya ng medalya para sa photo model category.

Dahil sa kanyang pagkapanalo, nagbukas ang iba’t ibang oportunidad para sa Pinay, gaya ng isang singing contract at magre-release raw siya ng dalawang single ngayong buwan sa ilalim ng isang recording company sa Pilipinas.

Ayon sa UK National Director and Performing Arts Vocal Talent and Production coach na si Mervic “Vicky” Monocillo, binigyan lang sila ng isang buwan para makapaghanda para sa WCOPA 2022.

Sabi ni Monocillo: “Very limited ang time namin para makapag-prepare pero sabi nga nila ‘your team is small but very mighty!’ Grabe ang palakpakan at sabi nga nila total performance talaga ang ipinakita namin.”

Dagdag ni Monocillo, hindi biro ang performance sa harap ng mga hurado kahit isang minuto lang ito.

“Imagine, you need to showcase yourself in one-minute in front of 12 judges looking and screening you if you can continue to the next level. Kailangang isipin kung anong kanta, anong part ng kanta sila mai-impress in just one-minute,” pahayag ni Monocillo.

Dati ring grand finalist, multi-gold medalist at Champion of the World sa WCOPA si Monocillo noong 2018 na ginanap sa Long Beach California.

Kuwento ni Monocillo: “No one can surpass the talents of the Filipinos. Baka yung iba ay hindi pa nadi-discover, kaya we are here to help them achieve their dreams no matter.”

Nagsimula na rin ang kanilang team na maghanap o mag-scout ng iba’t ibang mga talento sa magkakaibang katergoya para maihanda sa mga susunod na kompetisyon.

NORWAY
Humakot din ng mga medalya ang isang Pinoy delegate mula Norway. Si LJ Amorsolo ang naging WCOPA Grand Champion sa Senior Vocal Group kasama ang kanyang partner na si Ingrid.

Ang kanilang nakakabilib na tandem ang nagpanalo sa kanila ng gold medal. Nakakuha rin si Amorsolo ng anim na silver at dalawang bronze medal sa solo at duet categories.

“Lahat po ng sinalihan ko nagkaroon ako ng medalya at pati sa aming group competition nagkaroon po kami ng tatlong medalya at nakapasok po kami sa grandfinals at nanalo bilang Senior Grand Champion of the World,” sabi ni Amorsolo.

Hindi naman nagpatalo ang delegasyon ng Pilipinas dahil nakakuha sila ng kabuuang 265 medalya at awards.

Ang Team Pilipinas ay nakakuha ng 38 golds, 59 silvers, 85 bronzes, 44 semi-finalist medals, 8 grand finalist medals, 29 division winner plaques, 1 scholarship at isang Extraordinary National Director plaque at 2nd place Best in National Costume.

Walong finalists ang nakasali sa “Six Acts” para sa grand finals: Elisha Caramel Vilvar at Gianino Sarita para sa Junior models category: Cristiana Agarap para sa Junior Instrumentalist category: Rozennie Tameta para sa Senior Models category: John Lorenzo Centinales para sa Senior Instrumentals, at AMC Trinity para sa Senior Vocal Group category.

Ilang araw matapos ang WCOPA 2022, naghahanda na muli ang iba-ibang bansang lalahok sa susunod na World Championship of Performing Arts sa 2023.

(Kasama ang report ni Marco Camas sa Oslo, Norway)
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Europa, Gitnang Silangan at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
KAUGNAY NA VIDEO:
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT