Bagong panuntunan sa educational aid, inilatag ng DSWD, DILG | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bagong panuntunan sa educational aid, inilatag ng DSWD, DILG

ABS-CBN News
Published Aug 24, 2022 04:35 PM PHT

Inilatag na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang bagong panuntunan sa pamamahagi ng educational cash assistance.

Pangako nila, mas mabilis at mas maayos na proseso para sa mga nangangailangan ng ayuda.

Lumagda ng memorandum of agreement ang 2 ahensiya para masaayos ang pamamahagi ng educational cash aid sa mga estudyante.

Ito ay matapos magkagulo ang pila sa labas ng tanggapan ng DSWD nitong nagdaang weekend.
Ito ay matapos magkagulo ang pila sa labas ng tanggapan ng DSWD nitong nagdaang weekend.
ADVERTISEMENT
Sa mga susunod na Sabado, bawal na ang mga walk-in at dapat munang mag-apply online sa website na ipo-post ng mga lokal na pamahalaan.

Mga tauhan ng DSWD ang mag-a-assess kung sino ang dapat makatanggap ng ayuda para maiwasan na mapolitika ang listahan.

"Ang DSWD, s'ya ang gagawa ng listahan, lahat ng ililista, lahat ng benepisyaryo, hindi si gobernador, hindi si mayor, hindi si kapitan. Linawin natin yan," ani DILG chief Benjamin Abalos Jr.

"Ang perang manggagaling, hindi kay mayor o gobernador, o kapitan. Ang pera galing sa national government, sa ahensya mismo," dagdag niya.

Narito ang proseso ng aplikasyon para sa student aid:
Narito ang proseso ng aplikasyon para sa student aid:
ADVERTISEMENT
1. Mag-register sa website na ibibigay ng LGU.
2. Kapag nakatanggap ng QR code o confirmation text message, pumunta sa payout center sa itinakdang schedule.
3. Magdala ng Certificate of Enrollment o valid ID.

Ite-text at bibigyan ng QR code ang mga aplikante at naka-base sa alphabetical arrangement ng apelyido ang makukuhang schedule.

Kung makatanggap ng confirmation, saka pa lang maaaring pumunta sa payout center dala ang certificate of enrollment at valid ID.

Mas bibilisan din ang proseso at agad makukuha ang ayuda.

"Yun ang target natin, kung pupwede, maximum ang 10 minutes per tao. Yun ang maximum. Kung kumpleto naman ang dokumento, tatanungin lang ng social worker ano trabaho ng magulang mo, kapag magulang naman, tatanungin ano trabaho mo," ani DSWD chief Erwin Tulfo.

DILG naman ang mangangasiwa sa mga payout center na nakakalat sa mga lungsod at munisipalidad.

Pisikal na kukuhanin ang pera kaya inaasahan ang pila, pero mas maikli at maayos na.

Posibleng magkaroon ng higit sa isang payout center ang kada lungsod depende sa populasyon at dami ng mga tatanggap.

Paglilinaw din ng DSWD, hindi sa lebel ng barangay ang pamamahagi ng ayuda.

Ipinaliwanag din ni Tulfo kung bakit hindi na nila idinaan sa DepEd o sa mga paaralan ang ayuda tulad ng suhestiyon ng maraming magulang.

"Baka kainin ang oras ng teacher o ni principal sa pamamahagi ng pera. Baka maulit na naman na may pinaburan si teacher dahil pinsan niya ‘yung estudyante niya. Eh alam niyo naman po ‘yung mga teacher natin. Do’n lang nakatira sa paligid-ligid. Baka na naman ma accuse na naman ho ang mga teacher, kawawa naman," ani Tulfo.

Ang ilang nanay, nagpaplano nang mag-apply sa cash aid.

Bukod sa mga 4Ps beneficiaries, hindi rin mabibigyan ng ayuda ang mga government scholars at yung mga walang QR code o text message mula sa mga LGU.

Pakiusap ng DSWD, mga tunay na nangangailangan na lang sana ang mag-apply dahil limitado lang ang mabibigyan.

Sa datos ng DSWD, nasa 375,000 hanggang 400,000 estudyante sa buong bansa ang makikinabang dito.
Sa datos ng DSWD, nasa 375,000 hanggang 400,000 estudyante sa buong bansa ang makikinabang dito.
ADVERTISEMENT
Titingnan nila ngayong Sabado kung mas epektibo ang nasabing sistema.

— Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News
Kaugnay na ulat:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT