COVID-19 curve ng Pinas posibleng mapatag sa Setyembre: UP experts | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
COVID-19 curve ng Pinas posibleng mapatag sa Setyembre: UP experts

Raphael Bosano,
ABS-CBN News
Published Aug 24, 2020 05:31 PM PHT
|
Updated Aug 24, 2020 08:48 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
MAYNILA — Matapos ang ilang buwang pakikipagbuno ng bansa sa pandemya, may maganda nang balitang inihayag ang mga researchers mula sa University of the Philippines.

Sa panayam ng TeleRadyo kay Guido David, nakita na nila ang ilang senyales na maaaring dumausdos na ang bilang ng mga tinatamaan ng bagong coronavirus.

"Nakita namin bumagal na 'yung trend sa buong Pilipinas ng reproduction number. Pati sa NCR bumababa na 'yung R-naught. Ngayon medyo malapit na sa 1. Ibig sabihin medyo malapit na tayong mag-flatten ng curve... Umaasa tayo na katapusan ng August pwedeng ma-flatten 'yung curve or kahit mga September siguro mangyari yan, ok lang din," ani David ng UP-OCTA Research.

Ang unang projection ng UP-OCTA Research ay maaaring pumalo sa 250,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa. Pero posibleng 220,000 hanggang 230,000 na lang abutin ito.

Nitong nakalipas na linggo, naglalaro sa higit 4,000 ang mga naitatalang dagdag na bilang sa positibo sa COVID-19 kada araw. Pero noong Linggo, bumaba ito sa 2,378.

"Kahit ma-flatten natin ang curve ng September mga 1 to 2 months pa bago natin mapababa ang kaso at very manageable levels," ani David.

Kahit maganda ang projection ng UP-OCTA Research sa ngayon, sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi lang dapat ang numero ang isasaalang-alang ng publiko.

"We also look at the capacity of the health system in any given country... Even though we have these numbers rising, we can see that our health system is managing and we can see that the deaths are not increasing... Nakikita natin nama-manage natin ang ating mga kaso. Nakikita natin mas marami ang mild and asymptomatic rather than those who are critical or severe," ani Maria Rosario Vergeire, tagapagsalita ng DOH.

PDP-Laban Senate candidates hit back at Marcos Jr.
PDP-Laban Senate candidates hit back at Marcos Jr.
ABS-CBN News
Published Feb 13, 2025 10:22 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

The senatorial bets of ex-Philippine President Rodrigo Duterte hit back at President Marcos Junior for his remarks mocking the candidates of rival slates. They launched their counter-offensive Thursday at the formal introduction of their lineup in San Juan City. -ANC, The World Tonight, February 13, 2025