Mga pamilya sa paligid ng Marikina River maagang lumikas | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga pamilya sa paligid ng Marikina River maagang lumikas

ABS-CBN News
Published Aug 23, 2022 11:49 PM PHT
|
Updated Aug 24, 2022 03:06 AM PHT

MAYNILA (UPDATE)—Higit sa 90 pamilya inililas sa Brgy. Nangka at Brgy. Concepcion sa Marikina City dahil sa pagtaas ng tubig sa Marikina River nitong Martes.

Nagtungo ang mga lumikas na pamilya sa Nangka Elementary School at East Bautista Elementary School kung saan sila magpapalipas ng gabi.

Sa Conception Integrated School naman ay may isang pamilya ang nanunuluyan.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, nakahanda na ang lokal na pamahalaan sakaling mas marami pa ang lumikas na residente.

ADVERTISEMENT
Nakaantabay din ang mga evacuation center, mga kagamitan, at sasakyan sakaling kailanganin.

Nananatili ang unang alarma matapos umabot sa 15.5 meters ang water level sa Marikina River alas 8 ng gabi. Mahigit 1.5m ang itinaas, mula sa 13.7m water level noong alas 12:45 ng hapon, kung kailan nagsimula ang malakas na buhos ng ulan sa lungsod.

Sa warning level na ipinapatupad ng lungsod, pinaghahanda ang mga residente sa paligid ng ilog na lumikas sa oras na umakyat ang tubig sa 15m kung kailan itinataas ang unang alarma.

Simula naman na ng evacuation kapag naabot na ang 16m water level o ikalawang alarma.

Magpapatupad naman ng forced evacuation kapag itinaas na ang ikatlong alarma o kapag umabot na ang tubig sa 18m.
Magpapatupad naman ng forced evacuation kapag itinaas na ang ikatlong alarma o kapag umabot na ang tubig sa 18m.
ADVERTISEMENT
Sa buong Marikina, wala pa namang naitalang pagbaha ang CDRRMO.

Ayon kay Malabon Mayor Jeannie Sandoval, nakaranas din ng pagbala ang ilang bahagi ng Malabon, Martes ng umaga pero hindi kinakailangan ng pre-emptive evacuation sa lungsod.

Ang patuloy na pag-ulan at pagsabay ng high tide ang nagiging problema umano sa Malabon.

Nakahanda naman ang mga evacuation centers sa Malabon, ani Sandoval.

Kinumpirma niya na walang pasok sa lahat ng antas ng public at private schools sa lungsod sa Martes.

—Ulat nina Jeffrey Hernaez at Jose Carretero, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT