Mga pamilya sa Cagayan inilikas dahil sa matinding baha | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga pamilya sa Cagayan inilikas dahil sa matinding baha

ABS-CBN News
Published Aug 23, 2022 07:44 AM PHT

Hindi pa man nag-landfall ang bagyong Florita ay nakaranas na ng mga pagbaha ang ilang lugar sa Cagayan dahil sa malakas na ulan.

Ayon sa PDRRMO, naitala ang pagbaha sa mga bayan ng Baggao, Gonzaga at Gattaran.

Nitong Lunes ng gabi, sapilitan nang inilikas ang ilang residente sa Barangay Taytay-Bantay, Baggao.

Ayon sa MDRRMO Baggao, una na silang nagpatupad ng pre-emptive evacuation bandang hapon dahil sa banta ng landslide.

ADVERTISEMENT
Sa kabuuan, 36 pamilya na kinabibilangan ng 103 indibidwal mula Zone 6 at Zone 7 ang nailikas. Dinala muna sila sa multi-purpose hall ng barangay.

Inilikas din ang 29 pamilya sa Barangay Bagunot dahil naman sa pagbaha.

Apat na pamilya na kinabibilangan ng 15 indibidwal sa Barangay Bitag Grande ang lumikas at pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kaanak.

Samantala, hindi madaanan ang Sippaga Bridge sa Barangay Nangalinan matapos na masira ang approach nito sa pagragasa ng tubig.

Dahil sa malakas na pag-ulan, umapaw ang ilog sa Barangay Carupian, Baggao at nasapawan ang ilang taniman ng mais.

Hanggang tuhod na baha ang naranasan ng mga residente sa Barangay Casitan, Gonzaga dahil sa pag-ulan ng bagyong Florita.

Inilikas ang nasa 49 pamilya na kinabibilangan ng 190 indibidwal na ngayon ay nanunuluyan sa evacuation center.

May tatlong pamilya na kinabibilangan ng 13 indibidwal sa Barangay Pateng ang inilikas din dahil sa pagbaha.

Binaha din ang kalsada sa Barangay Pina Weste Gattaran kaya nahirapan sa pagtawid ang mga residente at motorista.

Sa Aparri, abot 197 pasahero na karamihan ay estudyante ang na-istranded sa Dappa Wharf.

Pauwi na sana sila matapos na ideklara ang suspensiyon ng kanilang pasok, pero hindi na pinayagan ng Philippine Coastguard na makabiyahe sa ilog ang mga bangka dahil sa masamang panahon.

Sinundo naman ng Coast Guard ang mga stranded saka inihatid sa kanilang uuwian.

Mahigpit din ang paalala ng Coast Guard tungkol sa no sail policy sa karagatan.

Umiiral din ang no sail policy sa lalawigan ng Isabela gayundin ang liquor ban para matiyak ang kaligtasan ng mga residente.—Ulat ni Harris Julio