Nagbebenta online ng endangered coral, taklobo, arestado sa Cavite | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nagbebenta online ng endangered coral, taklobo, arestado sa Cavite

Nagbebenta online ng endangered coral, taklobo, arestado sa Cavite

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 29, 2019 03:20 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Timbog sa Bacoor, Cavite ang isang lalaking nagbebenta online ng mga endangered coral at taklobo.

Sa bisa ng search warrant, pinasok ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bahay ng suspek na si Glen Binoya at nadiskubre ang 10 aquarium na naglalaman ng mga taklobo at coral na nagkakahalagang P2.7 milyon.

"Kinukuha niya ito sa Batangas at pino-propagate sa bahay niya at mina-market niya ito through the internet,” ayon kay NBI Environmental Crimes chief Eric Nuqui.

Ngunit iginiit ng NBI na wala itong ugnayan sa ilegal na pagbebenta ng corals na kumalat sa social media noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT

Tumanggi pa ang suspek at nagsabing libangan lang niya ang mangolekta nito.

Pero ayon sa intelligence report ng U.S. Fish and Wildlife Service, 2 taon na rin daw tumatakbo ang negosyo ni Binoya, na nagbebenta ng mga coral at taklobo sa internet sa mahigit-kumulang $30 kada piraso.

Bukod dito, ilang beses pang lumilipat ng bahay ang suspek para hindi matunton ng mga awtoridad.

Dadalhin sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mga nakumpiskang coral at taklobo.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Philippine Fisheries Code si Binoya, at maaaring makulong ng hanggang walong taon kung mapatunayang nagkasala.

-- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.