Baboy, inialay para sa nawawalang residente ng Mankayan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Baboy, inialay para sa nawawalang residente ng Mankayan

Baboy, inialay para sa nawawalang residente ng Mankayan

Micaella Ilao,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 23, 2018 06:42 PM PHT

Clipboard

Nag-alay ng baboy ang mga residente para sa mabilisang paghahanap sa bangkay ni Luvina Julian Kidkid, ang barangay secretary na pinaniniwalaang natabunan ng gumuhong lupa sa Mankayan, Benguet noong Agosto 13, 2018. Larawan mula sa Mankayan Municipal Police Station.

BAGUIO CITY (UPDATE) – Patuloy pa rin ang paghahanap sa nawawalang barangay secretary na pinaniniwalaang natabunan ng gumuhong lupa dahil sa pag-ulan sa Bedbed sa bayan ng Mankayan, Benguet noong Agosto 13.

Ayon sa pulisya, naglilinis umano si Luvina Julian Kidkid kasama ang iba pa sa baba ng bundok nang mangyari ang insidente.

Halos 300 na residente at rescuers na ang tumulong para mahanap si Kidkid.

Nagpadala na rin ng mga K9 ang Benguet Provincial Police office para sa mabilis na operasyon.

ADVERTISEMENT

Nagkatay na rin ng baboy ang mga residente bilang alay para sa mabilisang paghahanap kay Kidkid.

“Ito 'yung ginagawang kaugalian ng mga taga rito sa Benguet at ibang bahagi ng Cordillera,” paliwanag ni Senior Supt. Lyndon Mencio ng Benguet Provincial Police Office.

Dahil bukas na ang kalsada papunta sa nasabing lugar, nagpadala na rin ang awtoridad nitong Miyerkoles ng backhoe para mapadali ang paghahanap.

Noong taong 2015, nagkaroon din ng malawakang retrieval operation sa Mankayan matapos matabunan ng lupa ang nasa 12 katao.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.