Nag-ugat sa pinutol na puno: Lalaki patay sa pamamaril ng pamangkin sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2021 12:08 PM

Patay ang isang lalaki matapos barilin ng kaniyang pamangkin sa Sapian, Capiz
Patay ang isang lalaki matapos barilin ng kaniyang pamangkin sa Sapian, Capiz nitong Agosto 21, 2021. Retrato mula sa Sapian police

Patay ang isang lalaki sa Sapian, Capiz matapos umanong barilin ng kaniyang pamangkin nitong Sabado dahil sa alitan sa pagputol ng puno.

Ayon sa imbestigasyon ng Sapian police, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-tito matapos putulin ng biktima ang puno ng niyog na tinanim ng magulang ng suspek.

Habang pauwi ang suspek, inabangan umano siya ng biktima at tinaga ng itak pero nakabunot ng baril ang pamangkin at pinutukan ang kaniyang tito.

Naisugod sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival, habang nalapatan naman ng paunang lunas ang suspek na nagtamo ng sugat sa kaliwang kamay.

Hinuli ng mga awtoridad ang suspek pero hindi narekober ang ginamit na baril.

Nasa kustodiya ng Sapian police ang suspek, na nakatakdang kasuhan ng homicide.

— Ulat ni Rolen Escaniel

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC