Pamimigay ng student cash aid sa Bacolod nauwi sa gulo | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pamimigay ng student cash aid sa Bacolod nauwi sa gulo

Pamimigay ng student cash aid sa Bacolod nauwi sa gulo

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ni Angelo Angolo
Kuha ni Angelo Angolo

Naging sanhi ng gulo ang sana ay masayang pamimigay ng cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Sabado sa Ayala Capitol Malls sa Bacolod City.

Nagkabalyahan at sigawan at muntik na ring magka-stampede sa entrance pa lang ng mall. Sa 4th floor naman kung saan namimigay ng pera, halos buong araw na nagkagulo ang mga tao.

Ang iba, alas-10 pa lang ng Biyernes ng gabi ay pumila na sa labas ng mall para makasegurong makakuha ng ayuda. Pero inireklamo nila ang umano’y kawalan ng sistema at walang humaharap para magpaliwanag.

“Kami po pumila ala-1 hanggang alas-2 hanggang ngayon pumila kami. Sige, pumila yung mga tao hanggang umabot ng libong-libo. Tapos nung 10 o’clock nag-declare sila, 650 lang daw ang iki-cater nila dahil walang budget, P3 million lang daw ang ibinigay," himutok ng isa. "Pero nung alas-5, alas-6 nung dumadami na ang mga tao, ni isa sa kanila ay walang nagsabi na cut off na.”

ADVERTISEMENT

“Kanina po wala ditong priority lane which is dapat meron po 'di ba. Para sa mga people with disability at mga senior po. Ang mga students po kaya naman nilang pumili 24 hours,” sabi naman ni Precious Lumuntad.

Si Gingging Lianseng galing pa ng bayan ng Pontevedra at kasama ang kanyang anak. Nagtitinda siya ng lugaw pero itinapon nya na lang ito ng mapanis dahil sa init kanina sa pila sa labas ng mall. Nalugi tuloy siya.

“May kinita sana ako kung hindi kami pumila dito. Kaso pumila kami sa pag-aakalang may makukuha kami," ani Lianseng.

Ayon sa team leader ng DSWD satellite office sa Negros Occidental, namigay sila ng number sa naunang 700 sa linya sa north wing pero marami ang nagreklamo dahil nandun rin daw sila nakapila sa labas ng mall at nagbabantay pero hindi sila nakakuha ng number.

“Seguro ang pamimigay ng numero kasi ang mga tao ang kanilang posisyon diri dito sa Ayala Mall paikot kaya nang namigay kami ng number nagreklamo sila bakit hindi sila nabigyan when in fact 700 na ang naipamigay naming mga numero," ang paliwanag ni Marlyn Porras, head ng DSWD Satellite Office sa Negros Occidental.

ADVERTISEMENT

Dalawang beses din daw sila nag-ikot at nagpaliwanag sa mga tao pero hindi naman nila maisa-isa lalo na ang mga kararating pa lang.

Isang ina ang lumapit sa ABS-CBN. May hawak siyang No. 99 pero mag aalas-5 na ay hindi pa siya pinapasok.

“Noong una, ang pinamimigay puti tapos naging pink," anila.

Subalit nang kinumpirma ng ABS-CBN sa DSWD, peke pala ang number na ibinigay sa kanya.

"Pink and green. Hindi 'yan. Printed dapat siya. Hindi gamit ang pentel pen. .. Ito ang first batch tapos white at green. Yan ang first batch. Ang second batch ito siya pero computerized na green," paliwanag ng DSWD.

ADVERTISEMENT

Gayon na lang ang kanyang panlulumo dahil buong akala nya ay may makukuha siyang ayuda lalo na’t madaling araw pa siya pumila. Ipinakita rin nila ang mga braso na sinulatan ng umano’y kanilang number para makapasok pero hindi ito kinilala ng DSWD.

Ang iba naman na buong araw nang nag-antay ay nag-request na sana ay bigyan na lang sila ng number para makabalik sa susunod na Sabado para hindi na sila matulog sa labas ng mall. Pero sagot ng DSWD "first come, first served" pa rin ang magiging policy.

Sa dulo ng pila, may isang grupo ng mga kabataan na may mga hawak na number 24, 25, 26 at 28 subalit hindi daw sila pinapayagang mauna matapos maputol ang kanilang pila.

Meron namang masuwerte tulad ni Jennifer Lico na may tatlong estudyante at 10 p.m. pa lng ay nasa labas na siya ng mall. Nakakuha sya ng P6,000.

Ang maritime student naman na si Ernesto Cordova ay nakakuha ng P4,000 na pambili nya raw ng school supplies at uniform.

ADVERTISEMENT

P5 million ang budget na ibinigay ng DSWD Regional Office para sa Negros Occidental para sa first tranche.

Mamimigay ulit sa susunod na limang Sabado. Magtatalaga na rin sila ng pamimigay sa Sagay City para sa mga nasa norte ng probinsiya at sa Himamaylan para sa mga nakatira sa southern Negros. - ulat ni Angelo Angolo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.