PatrolPH

Itinapong bangkay sa Quezon, nakilalang dating drug suspect

ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2022 01:40 PM

Retrato mula sa Pagbilao police
Retrato mula sa Pagbilao police

Tukoy na ang pagkakakilanlan ng bangkay na natagpuang itinapon sa gilid ng kalsada sa Pagbilao, Quezon noong umaga ng Sabado.

Positibo umanong kinilala ng kaniyang mga kamag-anak ang biktima bilang si Arnold Pontiveros, residente ng Lucena City na naiulat na nawawala noong gabi ng Biyernes.

Lumabas sa imbestigasyon ng Pagbilao police na nakulong ang biktima noong 2019 at 2020 dahil sa umano'y pagtutulak ng ilegal na droga sa Lucena.

Umaga ng Sabado nang mahanap ang bangkay sa gilid ng kalsada sa Barangay Silangang Malicboy, malapit sa Quezon Old Zigzag Road.

May tama ito ng dalawang bala sa ulo.

Blangko pa ang mga awtoridad sa salarin at motibo ng krimen.

— Ulat ni Ronilo Dagos

 RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.