Bise alkalde ng bayan sa Quezon, patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2019 10:58 AM | Updated as of Aug 21 2019 08:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Patay ang bise alkalde ng San Andres, Quezon matapos pagbabarilin sa loob ng bahay nito, Martes ng gabi.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakahiga sa sofa si Vice Mayor Sergio Popoy Francisco Emprese nang may biglang may pumasok sa kanilang bahay na isang lalaki at pinaputukan ng baril sa ulo ang biktima.

Isinugod ang bise alkalde sa ospital pero pumanaw habang ginagamot.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen.

--Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.