Mga bagong bagon ng MRT-3, bubuuin ngayong araw | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga bagong bagon ng MRT-3, bubuuin ngayong araw

Mga bagong bagon ng MRT-3, bubuuin ngayong araw

Ron Lopez,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA, Philippines – Magsisimula na ngayong Linggo ang pagkakabit sa dalawang bagong light rail vehicles (LRV) para sa MRT-3 na layong mapabilis ang biyahe ng mga pasahero ng nasabing tren.

Dumating na ang anim na bagon na isasalpak sa MRT Taft station mula alas dose ng tanghali hanggang mamayang alas singko ng hapon.

Kasalukuyang nakaparada ang mga trailer trucks na may dalang bagon sa innermost lane ng EDSA Southbound, malapit sa MRT Taft Station at Taft Avenue, kaya't isasarado muna ito hanggang mamayang hapon.

Pinayuhan naman ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang nasabing ruta at humanap ng ibang pwedeng daanan, dahil mas kikipot ang EDSA.

ADVERTISEMENT

Ito ay para na rin masigurado ang kaligtasan ng mga motoristang dadaan.

Ang pagdaragdag ng tren ay bahagi pa rin ng programa ng MRT-3 na mai-angat ang kalidad ng kanilang serbisyo. Inaasahang aabot 48 LRVs ang idaragdag sa nasabing linya ng tren.

Layon rin ng pamunuan na madagdagan ang bilang ng mga pasahero mula sa kasalukuyang 500,000 hanggang 800,000 sa pagtatapos ng proyekto.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.