Mga karinderya dumadaing ng pagkalugi sa ilalim ng ECQ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga karinderya dumadaing ng pagkalugi sa ilalim ng ECQ

Mga karinderya dumadaing ng pagkalugi sa ilalim ng ECQ

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 19, 2021 09:30 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Nangangamba ngayon ang ilang mga negosyante sa Ermita, Maynila na tuluyan silang malugi sakaling palawigin pa ang enhanced community quarantine sa Metro Manila.

Ayon sa mga may-ari ng mga karinderya, lugmok na sila ngayon dahil halos wala nang kitain sa pagtitinda.

Apektado ang hilera ng mga karinderya dahil walang pasok ngayong ECQ ang mga suki nilang nag-oopisina maging sa unibersidad na malapit sa lugar.

May ilan na nagsara na rin dahil hindi na nila kaya ang gastos.

ADVERTISEMENT

Kung dati na kumikita sila ng P12,000 hanggang P15,000 kada araw, nasa P6,000 hanggang P7,000 na lang ang arawan nila na madalas ay kulang pa sa kanilang puhunan.

Mahal na rin anila ang bilihin ngayon kaya kailangang magbawas ng lutuin, dagdag pa diyan ang gastos sa kuryente, tubig, gasul, renta at pasahod sa kanilang mga tauhan kaya hirap na rin sila sa gastusin.

Nais ng mga nagtitinda sa lugar at mga may-ari ng karinderya na hindi na ma-extend pa ang ECQ sa Metro Manila.

- TeleRadyo 19 Agosto 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.