Failon Ngayon: Philippine National ID | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Failon Ngayon: Philippine National ID

Failon Ngayon: Philippine National ID

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 15, 2019 02:18 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tingnan mo ang iyong wallet, makapal ba ito? Makapal hindi dahil sa pera kundi sa mga resibo at… sa dami ng mga luma at bagong ID’s mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Nandyan ang ID ng SSS, PAGIBIG, GSIS ID, PHILHEALTH, TIN ID, U.M.I.D CARD, Senior Citizen ID, PWD ID at marami pang ibang ID’s na binibigay ng mga ahensya ng pamahalaan para meron tayong magamit sa ating mga transaksyon sa kanila. Madalas kailangang dalhin ang mga ID’s na ito dahil sa mga biglaang transksyon o sa pang-araw-araw na pangangailangan nito. Pero ang problemang pagkakaroon ng maraming ID’s at sa kakulangan ng valid ID ay malapit na daw matapos dahil ang Philippine National ID parating na at pirmado na bilang batas ni Pangulong Duterte noong nakaraang Agosto 6, 2018.

Ayon kay Congresswoman Sol Aragones na isa sa mga author ng Philippine National ID, may halos 30 billion pesos ang inaasahang budget para dito. Nilinaw ni Congresswoman Aragones na hindi lamang sa ID nakalaan ang 30 billion pesos na budget. Ito ay para din daw sa mga technical needs ng National ID, mga kagamitan at sa mga taong gagawa para dito.

Pagdating naman sa mga impormasyon na nakalagay sa National ID, ayon kay Congresswoman Aragones, makikita sa ID ang litrato ng kumuha nito, ang kanyang pangalan, sex, birthday, birthplace, ang blood type at pati na rin ang marital status. Sa biometrics data naman ay may QR code na may litrato ng kumuha ng National ID pati na rin ang full finger prints at ang iris scan. Sa ID ay makikita din daw ang mga kombinasyon ng mga numero na tinatawag na PhilsYS number na magiging kadikit na raw ng iyong pagka-Pilipino na kahit na mamatay ka ay hindi na pwedeng gamitin ang iyong sariling PhilsYS number. Kinakailangan din daw itong sauluhin para kung sakaling makalimutan mong dalhin ang iyong ID ay pwede ka paring makipag-transact. Pinapaalala din nya na ang National ID ay libre at walang dapat bayaran. Pero kung sakaling mawala ito, sa pangalawang pagkakataon ay kailangan na itong bayaran.

ADVERTISEMENT

Ibinida pa ni Congresswoman Aragones na mas mapapabilis ng National ID ang mga transaksyon, mapa-gobyerno o pribadong sektor man ito.

Ang Philippine Statistics Authority o PSA ang mangunguna sa implementasyon ng Philippine ID System. Sa ngayon ay binabalangkas pa lang ang implementing rules and regulations ng batas. Ayon sa spokesperson ng PSA na si Ms. Lady Tuble, pinaka hinahanap nilang requirement ay birth certificate. Kung wala naman maipresenta, maaari din daw magdala ng existing ID na maaaring makatulong para ma-validate ang kanilang pagkakakilanlan. Pagkatapos nito ay maaari na silang pumunta sa mga registration center tulad ng Philpost, SSS, Philhealth, PAGIBIG, local civil registrar, COMELEC at sa mga PSA offices kasama na ang mga regional at provincial offices. At para naman sa mga menor de edad o mga sanggol na bagong panganak magkakaroon din ng bukod na proseso dahil hindi pa ganun ka permanent o matured ang biometrics information ng mga nasa underage bracket.

Nasa 100 milyon na ang bilang ng mga Pilipino ngayon, ibig sabihin malaking data storage ang kakailanganin dito kaya naman may ilan na nangangamba kung kakayanin nga ba ito? Paano ito magiging ligtas? Ayon sa IT Expert na si Mr. Rodolfo Ramirez lahat ng makukuhang data sa mga magpaparehistro sa National ID ay maiipon sa isang lugar lamang. Ang lahat daw ng impormasyon ay papasok at walang makakalabas. Pero sinasabi rin ni Mr. Ramirez na may posibilidad din itong ma-hack.
May agam-agam rin ang Foundation for Media Alternatives ng iDEFEND sa implementasyon ng batas na ito. Lalo na’t sensitibong impormasyon ng mga pilipino ang panghahawakan ng gobyerno. Ayon kay Jessamine Pacis, Program Officer ng Foundation for Media Alternatives, “there is no such thing naman as perfect security, hindi naman maaring iensure ng 100% siguradong hindi sya mahahack or mabibreach yung system which could lead to more concrete re such as identity theft so ito yung mas personal kasi sa mga citizens kasi pag sinabi mo na may data bridge malawakan ito hindi masyadong ramdam pero identity theft ito pag nangyari sa isang tao direct yung consequences nya yung mga ganitong concern kasi on security hindi naman sya baseless since nakita natin don sa data breach of the COMELEC database last 2016.”

Ayon naman kay Ms. Lady Tuble ng PSA, aayusin daw nila ang sistema ng Philippine National ID para maiwasan ang mga problema. Pagdadagdag pa ni Congresswoman Sol Aragones, “Una wala po tayong dapat ipangamba dahil ang mga laman po, ang laman po ng Phil ID na ito ay basic information lamang. Ang mga impormasyon na laman na rin ng mga existing ID’s na meron tayo ngayon. At pangalawa, wala pong sensitive information dito, walang bank account.”

Pagating naman sa tanong na kung mas access rin ba ang mga pribadong sektor sa database ng National ID, sagot ni Ms. Lady Tuble, “There will be a way for institutions to use the system to authenticate the identity of a person. But that does not mean that they have access to the information of the person. So at best ang makukuha lang nilang sagot ay yes authentic itong applicant or yes valid itong pinipresent sayong information. They will have a way to authenticate using the system again they will use a system but not access. Right now we are drafting the implementing rules and regulation and plan po namin mapublish sya by October.”

Nilinaw din ni Ms. Tuble na may tatlong magkakahiwalay pa rin na ID’s bukod sa National ID. Ito ay ang iyong passport, PRC ID at driver’s license.
Sa likod ng magandang balitang dulot ng Philippine National ID, marami pa rin ang may agam-agam dito. May mga pabor at di pabor, ikaw ano ang masasabi mo sa Philippine Nation ID? Sangayon ka ba dito?

____


Abangan ang mga isyung lahat tayo may pakialam sa FAILON NGAYON tuwing Sabado pagkatapos ng I Can See Your Voice
11:00 ng gabi sa ABS-CBN!

Mapapanood ang replay ng FAILON NGAYON sa ANC tuwing Linggo, alas 2:00 ng hapon.

Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa aming official Facebook pages, http://www.facebook.com/failon.ngayon.fanpage.

I-follow din ang Failon Ngayon sa aming official Twitter account sa http://www.twitter.com/Failon_Ngayon o @Failon_Ngayon at gamitin ang hashtag na #FailonNgayon.

Maaari ding mapanood ang ibang segments at episodes ng Failon Ngayon sa Youtube at iwant tv! Bisitahin lamang ang www.youtube.com/abscbnnews at ang www.iwanttv.com

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.