Aktibista para sa karapatang pantao, patay sa pamamaril sa Bacolod City | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Aktibista para sa karapatang pantao, patay sa pamamaril sa Bacolod City

Aktibista para sa karapatang pantao, patay sa pamamaril sa Bacolod City

Mark Salanga,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 17, 2020 10:53 PM PHT

Clipboard

BACOLOD CITY (UPDATE) - Patay ang isang babaeng human rights activist matapos pagbabarilin sa Eroreco Subdivision sa Barangay Mandalagan sa Bacolod City Lunes ng gabi.

Ayon sa ilang saksi, naglalakad pauwi sa kaniyang tinutuluyang boarding house ang biktimang si Zara Reboton Alvarez nang lapitan ng isang lalaki at binaril ng ilang beses na naging sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Matapos ang pamamaril ay naglakad palayo ang salarin patungo sa naghihintay na motorsiklo at tumakas sa hindi pa tukoy na direksyon.

Nakuha ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang ilang basyo ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng armas.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Police Station 3 sa nangyaring krimen.

Mariing kinondena ng grupong Karapatan ang pagpaslang kay Alvarez, na dating campaign and education director at paralegal ng grupo.

Dagdag pa ng grupo, patuloy nilang ipaglalaban ang hustisya sa pagkamatay ng mga kasamahan nila katulad ni Alvarez at ni Randall Echanis ng Anakpawis.

"We extend our condolences to Zara’s family and friends, as we and many other colleagues mourn the killing of a beloved human rights and health worker. We will never relent in pursuing justice for Zara, Ka Randy and all victims of extrajudicial killings. We will honor Zara’s legacy as a passionate, selfless and dedicated human rights worker, by continuing the struggle for realization of people’s rights," pahayag ng grupo.

ADVERTISEMENT

Kinondena rin ng National Union of Peoples' Lawyers ang pagpaslang kay Alvarez, na ayon sa kay Atty. Edre Olalia ay tila pagpuntirya sa mga aktibista at kritiko ng gobyerno.

"It seems vocal and effective human rights defenders, activists and critics are being slayed one after the other with brazenness and audacious impunity. The obvious intent is to sow terror. The grief and rage continues," pahayag ni Olalia.

Dagdag din niya, hindi mapapatahamik ng mga pagpaslang ang mga naghahangad ng tunay na pagbabago.

"But make no mistake about it, those who want real change for the people and remove what ails our society will never step aside or back out but will be more inspired and determined. This too will pass. And there will be justice sometime, some way. And we will stand by our clients whatever it takes," ani Olalia.

Nagpahayag naman ng pakikiramay sa pamilya ni Alvarez ang Kabataan Party-list, na nangakong patuloy na ipaglalaban ang hustisya para sa mga aktibistang pinapaslang.

ADVERTISEMENT

"We extend our deepest condolences to her family and fellow rights' workers. We vow to exact accountability and bring the perpetrators to justice! This murderous rampage against human rights' defenders and peacebuilders must stop. The merciless killings, human rights violations, and the worsening climate of impunity under the Duterte administration must end," pahayag ng grupo.

Kinondena rin ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang pagpatay kay Alvarez.

"Kalilibing pa lang natin sa brutal na pinaslang na si Ka Randy Echanis, ngayon ay may pinatay na namang aktibista ang mga pasista. Tumitindi na talaga at walang tigil na ang atake sa oposisyon at mga kritiko ng kasalukuyang administrasyon,"aniya.

Namatay si Alvarez ilang araw lamang matapos matagpuang patay sa kaniyang inuupahang bahay si Echanis, ang 72 anyos na peasant leader at consultant ng National Democratic Front.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.