PatrolPH

'Ka Randy', pinaslang na Anakpawis chair, inilibing na

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2020 05:42 PM

MAYNILA — Inilibing na nitong Lunes ang pinaslang na peasant leader at Anakpawis chairperson na si Randall "Ka Randy" Echanis.

Binigyan ng pagkilala ng iba't ibang grupo ang napaslang na peasant leader, na isa ring Peace consultant. 

Ginawa ang pagkilala bago ihatid sa libingan si Echanis.

Tinawag na "hero’s burial march" ang programa ng iba't ibang militanteng grupo sa pangunguna ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at Anakpawis.

Mula sa Quezon City patungo sa sementeryo sa Marikina City kung saan ililibing si Echanis, bitbit ng mga grupo kasama ng kaniyang pamilya ang mga plakard na may mga katagang hustisya at pagkondena sa kinasapitan ng napaslang na lider ng mga magsasaka.

Agosti 10 nang matagpuang patay ang 72-anyos na peasant leader at consultant ng National Democratic Front sa inuupahang bahay sa Novaliches.

—Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.