Barangay inatake ng mga langaw dahil sa umalingasaw na manukan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Barangay inatake ng mga langaw dahil sa umalingasaw na manukan

Barangay inatake ng mga langaw dahil sa umalingasaw na manukan

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 16, 2019 09:59 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Umaangal ang mga residente sa Barangay Parista sa Lupao, Nueva Ecija dahil sa umaalingasaw na manukan doon na sinisisi nila sa pag-atake ng mga langaw.

"'Pag magkakape ka nga hindi mo mailapag 'yung kape... 'Pag kakain ka, kaagaw mo langaw," sabi ni alyas "Bong," isa sa mga residente.

Aminado ang may-ari ng poultry farm na nagkaproblema sila sa pangongoklekta ng dumi ng manok nitong linggo kaya dumami ang langaw.

Kasabay ng paghingi ng dispensa, nagpamahagi ang manukan ng fly traps sa mga residente para mabawasan ang mga langaw. Retrato mula kay Noriel Padiernos, ABS-CBN News

Ngayon lang umano ito nangyari sa loob ng 4 taon nilang pag-o-operate.

ADVERTISEMENT

"I humble my self to them... Nagkaproblema lang po sa pagkuha ng ipot... Pero hindi naman na siya tulad ng dati," ani Christopher Lactao, negosyante.

Kasabay ng paghingi ng dispensa, nagpamahagi ang manukan ng fly traps sa mga residente para mabawasan ang mga langaw.

Ayon kay Bernardo de Leon, chairman ng Barangay Parista, nagbigay siya ng ultimatum kay Lactao na kung hindi pa rin mawawala ang mga langaw ay ipasasara ang negosyo nito.

Sabi ng isang eksperto, puwedeng pagmulan ng sakit ang mga langaw dahil kung saan-saan ito dumadapo.

"First, transmission of diseases... Mga dysentery, diarrheal diseases, particularly those that can lead to death at skin diseases," sabi ni Dr. Benjamin Lopez, dating public health officer ng Nueva Ecija.

Nakatakda ulit magpulong ang barangay officials, mga residente, at may-ari ng poultry farm para sa susunod na mga hakbang.

—Ulat ni Noriel Padiernos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.