Mga 'di lisensiyadong baril, isinuko sa Bacolod City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga 'di lisensiyadong baril, isinuko sa Bacolod City

Mga 'di lisensiyadong baril, isinuko sa Bacolod City

Mitch Lipa,

ABS-CBN News

Clipboard

BACOLOD CITY - Mahigit 150 hindi lisensiyadong baril ang isinuko sa pulisya sa Bacolod City.

Ayon sa Bacolod City Police, nasa 152 ang kabuuang bilang ng mga armas na isinuko sa kanila sa ilalim ng kanilang programang Tokhang Kontra Guinadumilian Nga Pusil (Tokhang Laban sa Ipinagbabawal na mga Baril) mula noong Hulyo 23 hanggang Agosto 15.

Mga kilalang negosyante, opisyal ng barangay at pati mga kaanak ng pulis ang ilan sa mga nagmamay-ari ng mga nasabing armas.

Ayon kay Senior Superintendent Francisco Ebreo, acting city director, may listahan sila ng mga nagmamay-ari ng mga armas na itinatago dahil hindi pa nakakapag-renew ng lisensiya.

ADVERTISEMENT

Mananatili sa kustodiya ng pulisya ang mga baril habang pinoproseso ang mga lisensiya ng mga ito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.