Plantasyon ng marijuana sa Danao City, sinilaban | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Plantasyon ng marijuana sa Danao City, sinilaban

Plantasyon ng marijuana sa Danao City, sinilaban

Jude Torres,

ABS-CBN News

Clipboard

Sinilaban ng awtoridad ang nasa 14,000 halamang marijuanang nadiskubre sa Barangay Lawaan sa Danao City. Larawan mula sa Danao City Police.

DANAO CITY – Higit sa 14,000 halamang marijuana ang nadiskubre ng awtoridad sa bulubunduking barangay ng Lawaan sa lungsod na ito, Lunes ng umaga.

Ayon sa Danao City Police, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang residente na may nakatanim na marijuana sa lugar.

Matapos na makumpirma sa surveillance ng awtoridad, agad na nagsagawa ng operation para bunutin ang ilegal na halaman na tinatayang nagkakahalaga umano ng P3 milyon.

Inaresto rin ng awtoridad ang 3 katao na umano’y nangangasiwa sa plantasyon.

ADVERTISEMENT

Agad din sinilaban ng awtoridad ang narekober na marijuana sa plantasyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.