CAFGU, 5 iba pa arestado sa ilegal na pagmimina | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

CAFGU, 5 iba pa arestado sa ilegal na pagmimina

CAFGU, 5 iba pa arestado sa ilegal na pagmimina

Arianne Apatan,

ABS-CBN News

Clipboard

Nakuha ng mga awtoridad ang ilang mga gamit sa paghuhukay nang mahuli nila ang 6 na lalaking umano'y nagmimina sa Arakan, North Cotabato. Arakan PNP

ARAKAN, North Cotabato - Arestado ang 6 lalaki kabilang ang isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) matapos umanong magsagawa ng small-scale mining sa bayang ito.

Sanib-puwersa ang pulisya at mga empleyado ng Department of Environment and Natural Resources-Matalam sa isinagawang operasyon sa Barangay Lanao Kuran, kung saan isinasagawa ang pagmimina.

Nasa 60 kilometro ang layo ng mining site sa sentro ng bayang ito at nasa boundary na ng North Cotabato at Davao region.

Tumambad naman sa mga awtoridad ang isang malaking butas sa lupa, mga gamit sa paghuhukay, at ilang mga sako na may lamang tila mga bato.

ADVERTISEMENT

Narekober din sa lugar ang isang M-14 at M-16 rifle.

Nagmula ang impormasyong may pagmimina sa lugar mula sa mga tao, ayon kay Insp. Mibpantao D. Payag, deputy chief of police ng Arakan.

"Ang hukay nila mga 7 to 8 meters...Sabi nila wala pa daw sila nabenta kasi bago pa daw," aniya.

Inaresto ang 6 na indibidwal na inabutan rin sa lugar, kabilang ang CAFGU member na si Salas Sabawan.

Kinilala ang iba pang mga kasama nito na sina Michael Sabawan,
Remy Ambis, Phillip Villarosa, Ronald Rico, at Michael Denaque.

Ilan sa mga nahuli ay mula sa Tagum City, Davao City at Davao del Norte.

Nasabat din ang mga sakong may lamang mga bato. Sa inisyal na pag-aaral ng DENR, isa umanong uri ng ore ang mga ito. Arakan PNP

Aminado ang mga ito na hindi ito ang unang beses na sila ay nagmina ngunit sa pagkakataong ito, hindi umano nila alam na bawal ito sa bayan ng Arakan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ipinagbabawal ang anumang uri ng pagmimina sa Arakan sa ilalim ng isang municipal ordinance na nagdeklara sa bayan bilang mining-free town o no mining zone noon pang 2010.

"Maliban dito, maraming mga mining companies o pumasok sa Arakan sa Mt Sinaka area. May mining company na nag-apply, kaya lang ang LGU nagtayo ng paninindigan na pasukin kasi declared as watershed areas at forest reserve," ani Leonardo Reovoca, information officer ng bayan.

Nakakuha ng mga sample ang pulisya at DENR sa mga nakuhay sa sinasabing mining site, at ayon sa inisyal na impormasyon ay isa umanong uri ng ore ang mga ito.

Sinampahan ng DENR ng kasong theft of minerals sa ilalim ng Philippine Mining Act ang mga nahuli. Nahaharap rin ang mga ito sa kasong illegal possession of firearms and ammunition.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.