PANOORIN: Mga taga-Maynila sinariwa ang pananalasa ng buhawi | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PANOORIN: Mga taga-Maynila sinariwa ang pananalasa ng buhawi

ABS-CBN News
Published Aug 15, 2016 12:17 PM PHT
|
Updated Aug 15, 2016 05:39 PM PHT

MANILA - Ikinuwento ng ilang residente ng Baseco, Maynila Lunes kung paano pinadapa ng buhawi ang kanilang mga bahay nitong Sabado.

Ayon kay Eugenio Pagulayan, tumagal lamang ng ilang segundo ang pagdaan ng malakas na hangin, pero natuklap nito ang bubong ng kanyang bahay.

"Biglang lumakas iyung tornado, nasa ilalim ng bahay ko. Paikot-ikot iyung hangin, tapos 'yung bubong nagliliparan na, tinangay pataas. Saglit lang, seconds lang," ani Pagulayan.

"Natulala ako, wala akong nagawa. Natameme ako."
"Natulala ako, wala akong nagawa. Natameme ako."
ADVERTISEMENT
Halos pareho rin ang kwento ng residenteng si Jocelyn Alcaraz, na nadaganan ng kanyang natumbang barong-barong.

"Akala ko hangin lang na malakas. Noong talagang hindi na kaya ng bahay ko, talagang tumba na lahat, nadaganan ako sa likod."

Sa kalapit na bahay, wala namang nagawa si Fauzia Adal kundi yakapin ang mga anak. Anya, "Talagang na-shock po ako, naiyak. Niyakap ko po yung mga anak ko."

Mga taga-Baseco, Maynila, ikinuwento ang naranasang buhawi; nanawagan ng tulong | via @Dennis_Datu pic.twitter.com/h5WQ4wkWKA
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) August 15, 2016

Mahigit 100 bahay ang nasira sa Baseco nang tumama rito ang sentro ng buhawi na nanalasa rin sa Intramuros, Quiapo at Sampaloc.

TINGNAN: Ilan lamang sa mga naging pinsala ng buhawi sa Baseco, Maynila | via @Dennis_Datu pic.twitter.com/ANP7EH7ir7
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) August 15, 2016
TINGNAN: Ilan lamang sa mga naging pinsala ng buhawi sa Baseco, Maynila | via @Dennis_Datu pic.twitter.com/ANP7EH7ir7
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) August 15, 2016
Mahigit 150 pamilya ang apektado sa insidente ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office.

Nanawagan ng yero at pako ang mga residente upang muling maitayo ang kanilang mga tahanan.

Nakatakdang mag-inspeksyon si Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada sa Baseco Compound ngayong araw. -- Ulat ni Dennis Datu, DZMM