PatrolPH

Ilang silid-aralan ng paaralan sa Hindang, Leyte nasunog

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2022 03:43 PM

Retrato mula sa Lakawan PH
Retrato mula sa Lakawan PH

Higit isang linggo bago ang pagbubukas ng klase, nasunog ang ilang silid-aralan sa isang pampublikong paaralan sa Hindang, Leyte nitong umaga ng Linggo.

Sa inisyal na impormasyon mula sa BFP Hindang, nagsimula ang sunog sa library ng Hindang National High School, na mabilis na kumalat at tumama sa tinatayang 10 classroom.

Nagtulong-tulong ang mga bombero mula sa mga katabing bayan gaya ng Matalom, Bato, Hilongos at Inopacan para maapula ang apoy.

— Ulat ni Sharon Evite

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.