6 patay sa sunog sa Tondo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

6 patay sa sunog sa Tondo

6 patay sa sunog sa Tondo

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 15, 2018 10:39 PM PHT

Clipboard

MAYNILA (UPDATE) - Anim ang naiulat na namatay matapos masunog ang isang apat na palapag na paupahan sa Tondo, Maynila nitong hapon ng Martes.

Nasawi sa insidente ang isang 14-anyos na babae at limang miyembro ng isang pamilya.

Ayon kay Senior Supt. Jonas Silvano, District Director ng Bureau of Fire Protection Manila, problema sa kuryente ang posibleng sanhi ng sunog.

Mabilis na kumalat ang apoy kaya hindi na nagawang makababa sa gusali ng mga biktima.

ADVERTISEMENT

May fire exit naman umano ang gusali pero nasa ikatlong palapag pa at walang hagdan pababa.

Wala rin umanong permit ang paupahan.

Umabot ang sunog sa ikalawang alarma na nagsimula 1:50 ng hapon at idineklarang under control bandang alas-3 ng hapon.

May 70 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog at kasalukuyang tumutuloy sa isang covered court. - Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.