'Yellow card' na patunay ng COVID-19 vaccination may bayad na P370: BOQ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Yellow card' na patunay ng COVID-19 vaccination may bayad na P370: BOQ

'Yellow card' na patunay ng COVID-19 vaccination may bayad na P370: BOQ

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Sa mga Pilipinong bibiyahe sa ibang bansa at nangangailangan ng "yellow card" o international certificate of vaccination bilang patunay na nabakunahan na, inanunsiyo ng Bureau of Quarantine (BOQ) na bukas sila sa online booking.

Ani BOQ Deputy Director Roberto Salvador, kailangan lang i-upload ang passport at vaccination card.

May bayad itong P300 para sa documentation fee at P70 para sa convenience fee.

Kapag nakapag-apply na, matatapos ang proseso ng yellow card sa loob nang isa o 2 oras.

Puwede itong kunin sa main office ng BOQ sa Port Area sa Maynila at sa mga satellite office ng BOQ sa Mall of Asia, Batangas, La Union, Laoag, Cebu, Davao at Cagayan de Oro.

Simula naman sa Setyembre 1, magbubukas pa ng dagdag na satellite office sa SM North EDSA, Eastwood, McKinley, pati sa General Santos City, Kalibo, Bacolod at Palawan.

Walang expiration sa ngayon ang yellow card.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.