Ilang residente sa Tondo binaha nang masira ang dike sa estero | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang residente sa Tondo binaha nang masira ang dike sa estero

Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published Aug 13, 2018 04:34 PM PHT

MAYNILA - Binaha ang ilang barangay sa Gagalangin, Tondo matapos masira ang dike sa Estero de Sunog Apog sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan Linggo ng gabi.

Ayon kay Daniel Nobleza ng Barangay 135, habang malakas ang ulan, tinamaan ng barge ng contractor ang ilang bahagi ng dike na hindi pa pala natatapos gawin.

Makikita ang pag-apaw ng estero sa video na ito ni Nobleza:

Dagdag naman ni Ramon Delos Angeles, chairman ng Barangay 172, umabot pa nang hanggang binti ang lalim ng baha sa ilang kabahayan sa kanilang lugar na hindi naman dating binabaha.

Paliwanag niya, bahagi ang nasirang dike ng interceptor project ng Department of Public Works and Highway, na sasalo sana ng tubig-baha mula Blumentritt, Tondo, hanggang Manila bay.

Sa ngayon ay wala pa aniyang sagot ang contractor ng nasabing proyekto kung ano ang gagawin sa nasirang parte ng dike para masolusyunan ang problema nila sa pagbaha.