Ilang bahay sa Maynila, nabagsakan ng gumuhong pader | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang bahay sa Maynila, nabagsakan ng gumuhong pader

Ilang bahay sa Maynila, nabagsakan ng gumuhong pader

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Ilang tao ang napaulat na sugatan nang gumuho ang isang pader at bumagsak sa mga bahay sa Oroqueta Street sa Maynila, Sabado ng umaga.

Sa inisyal na ulat, tumungo na ang rescue team sa Maynila upang sagipin ang ilang residente na naipit pa umano sa guho.

Gumuho umano ang firewall na humahati sa Barangay 310 at 312 sa kasagsagan ng malakas na ulan, na siya ring bumagsak sa mga barong-barong na malapit dito.

"Akala namin lumindol lang, 'yun pala nalaman namin may sumisigaw na humihingi ng tulong," ani Niño Coroña, isa sa mga residenteng nakalabas sa guho.

ADVERTISEMENT

Napag-alamang nasa likod lang ng Manila City Jail ang gumuhong firewall.

Patuloy ang pagtataya ng mga awtoridad kung ilan ang nasugatan sa insidente. --Ulat ni Zhander Cayabyab, DZMM

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.