Lalaki, arestado sa Taguig dahil sa paggamit ng pekeng pera pambili ng sigarilyo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki, arestado sa Taguig dahil sa paggamit ng pekeng pera pambili ng sigarilyo

Lalaki, arestado sa Taguig dahil sa paggamit ng pekeng pera pambili ng sigarilyo

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 12, 2023 08:11 PM PHT

Clipboard

MAYNILA - Arestado ng mga pulis nitong Sabado ang isang lalaki na inireklamo dahil sa ilang beses na paggamit ng pekeng pera umano para bumili ng sigarilyo sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Ayon sa may-ari ng tindahan na si Marlin Tamano, noong July 30, 2023 natuklasan nila na peke ang P1,000 na ibinayad sa kanila ng suspek na bumili ng isang paketeng sigarilyo.

Ipinaskil nila ang pekeng pera sa tindahan para hindi na sila muling mabiktima.

Pero nitong Martes, bumili raw ulit ng sigarilyo ang suspek pero ibinalik agad sa kanya ang pera nang madiskubre na peke ulit ang ibinayad nito.

Sa ikatlong pagkakataon, bumalik nitong Biyernes ang suspek para bumili ulit ng isa pang pakete ng sigarilyo, na peke nananaman raw ang ginamit na pera, ayon sa nagbabantay ng tindahan

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ng nagbabantay, kapareho pa ang serial number ng P1,000 sa unang ibinayad niya sa tindahan.

“Nakita siya ngayon nung pamangkin kong babae: ‘tay yan din ang nagbayad sa akin noong nakaraan sinabihan ko, nahuli ko peke yung pera mo,'" ani Tamano.

"Ayun na sabi ko i-hold na, tapos sasabihin niya sa amin nagbayad lang daw sa kanila yung habal niya na pasahero pero nung nandito na sa sabungan daw paano eh pare parehas na serial number," dagdag niya.

"Talagang modus niya na yun kaya di ko siya pwede patawarin kasi tatlong beses na siya pumunta sa tindahan namin,” sabi ni Tamano.

Matapos nito, humingi na sila ng tulong sa barangay at nahuli ng mga pulis ang suspek bandang alas-8 ng gabi nitong Biyernes.

“Inulit-ulit nitong suspect natin namukhaan na nila yung suspect... ihinarang na nila pagharang nila army daw siya. Na-hold siya ng tagabantay nitong tindahan,” ani Police Captain Jefferson Sinfuego, Deputy Commander ng Fort Bonifacio Police Sub-Station 1.

Nakuha ng Fort Bonifacio Police mula sa suspek ang 10 piraso ng mga pekeng identification cards, 9 na piraso ng pekeng P1,000 at isang itim na wallet.

“Ang alibi niya is galing daw sa sabungan pero yun na nga kita naman natin na pare-parehas yung serial number nung luma tsaka mga bagong nakita natin sa wallet niya,” dagdag ni Sinfuego.

Nagpakilala pa ang suspek na miyembro siya ng Philippine Army pero napataksil umano siya sa serbisyo.

“Mayroon siyang pinakita na Philippine Army na ID iba yung pangalan pero yung mukha is same. Tinanong namin siya kung sino yung army na yan ang sabi niya classmate niya daw na namatay pero nung vinalidate ko same din yung picture dun sa iba niyang mga ID so I think peke yung ID na pinakita niya,” ani Sinfuego.

Humingi naman ng paumanhin ang suspek sa kanyang nagawa.

“Hingi na lang talaga ako ng pasensya kasi nabiktima lang din ako ma’am kung alam ko lang yun ma’am mapapahamak talaga ako ma’am,” ayon sa suspek.

Sa Lunes, nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Article 168 of the Revised Penal Code dahil sa ilegal na pagkakaroon ng pekeng pera at Usurpation of Authority ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulis.

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.