Lalaking 4 na araw nang nawawala, natagpuang patay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking 4 na araw nang nawawala, natagpuang patay

Lalaking 4 na araw nang nawawala, natagpuang patay

Charmaine Awitan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 12, 2020 05:48 PM PHT

Clipboard

Naaagnas na ang bangkay ng biktima nang matagpuan sa pampang sa Barangay Bonbon sa Butuan City. Larawan mula sa Butuan City Police Station 3

BUTUAN CITY - Natagpuang patay ang isang 21 anyos na lalaki sa pampang sa Barangay Bonbon sa nasabing lungsod, Martes ng hapon, apat na araw matapos ito mawala.

Nasa state of decomposition na ang bangkay ni Elvis Bersabal Jr o mas kilala bilang "Aga" na taga Barangay San Vicente.

Nahirapan pa ang taga Bureau of Fire Protection Rescue Team at kapulisan sa pagkuha sa katawan ng biktima dahil sa lalim at madulas ang lugar kung saan ito nakita bunsod ng malakas na ulan.

Naniniwala ang kapulisan na patay na ang biktima nang ito’y itapon sa lugar.

ADVERTISEMENT

“Nakita natin doon na posibleng itinapon doon 'yung katawan ng tao at 'yung kamay niya ay posibleng nakatali doon sa likod, parang mayroon siyang sugat sa ulo, posibleng may tumamang hard object sa kaniyang mukha," sabi ni Police Capt. Emerson Alipit, Station Commander ng Butuan City Police Station 3.

Huling nakausap ang biktima noong Biyernes, Agosto 7 kung saan nagpaalam ito na may kokolektahin lamang.

Nag-report sa pulisya ang pamilya nito nang hindi umuwi sa bahay ang biktima.

Bunsong anak ang biktima at sumusuporta ito sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Huling nakita ang biktima sa tapat ng gasoline station sa Barangay San Vicente at nakitang sumakay sa isang kotse.

Pinag-aaralan ngayon ng pulisya kung may kinalaman sa trabaho nito bilang “masyador” ang pagpatay sa kaniya.

“Mayroon tayong mga information na natatanggap at titingnan natin 'yung motibo doon na involved 'yung kaniyang pang araw-araw na gawain, trabaho, 'yung online cockfighting," sabi ni Alipit.

Hustisya naman ang panawagan ng pamilya ng biktima.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.