Barangay kapitan, 3 iba pa arestado sa mga drug raid sa Sarangani | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Barangay kapitan, 3 iba pa arestado sa mga drug raid sa Sarangani

Francis Canlas,
ABS-CBN News
Published Aug 12, 2017 02:05 PM PHT
|
Updated Aug 12, 2017 02:23 PM PHT

MAASIM, Sarangani – Arestado ang kapitan ng Barangay Tinoto at tatlong negosyante sa sunod-sunod na drug raid ng mga awtoridad dito Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang mga naaresto na sina Barangay Captain Rajik Kudarat, Romeo Gulam at mag-asawang Jhon at Rosa Hailen.

Sa bahay ni Kudarat, nasamsam ang dalawang baril- isang 9MM Ingram at isang M2 Rifle- at isang malaking sachet ng hinihinalang shabu.

Kabilang umano sa listahan ng narco-politicians si Kapitan Kudarat.
Itinanggi naman niyang sangkot siya sa bentahan ng ilegal na droga.

Sunod na pinasok ng raiding team ang bahay ng negosyanteng si Gulam, kung saan nasamsam ang tatlong M16 Rifle, isang carbine, at toy gun na replica ng M16 rifle at kalibre .45 pistola, iba't ibang mga bala, at isang malaking sachet ng hinihinalang shabu.

Aminado siyang walang lisensya ang dalawa niyang baril, pero iginiit niyang planted ang sachet ng droga.

Nawawala rin umano ang lisensiyado niyang kalibre .45 na baril.

Huling pinasok ng raiding team ang bahay ng mag-asawang negosyanteng Hailen, kung saan narekober ang tatlong malalaking sachet ng hinihinalang shabu, cash na mahigit P1 milyon, ATM cards na isinangla umano sa kanila ng mga 4P's (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) beneficiaries, at fragmentation grenade.

Itinanggi rin ng mag-asawa na sa kanila ang nasamsam na droga.

Nakuha naman sa tindahan ng mag-asawa ang kaliber .45 na pistola.

Sa pagkakahuli ng tatlong negosyante, nabuwag na umano ng mga awtoridad ang mga malalaking miyembro ng Premo Drug Group na kumikilos sa Sarangani at General Santos.