Indian national binaril sa Pampanga | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Indian national binaril sa Pampanga
Indian national binaril sa Pampanga
Ulat ni Gracie Rutao
Published Aug 11, 2023 10:27 AM PHT

Patay ang isang Indian national matapos barilin ng isang salarin na nakasakay ng motorsiklo sa Angeles City, Pampanga noong Martes.

Sa kuha ng CCTV, nag-iinuman ang dalawang lalaki at isang babae sa isang carwash sa Barangay Tabun pasado alas siyete ng gabi noong Martes, August 8, nang biglang dumating ang isang motorcycle rider at pinaputukan ang isa sa kanila.

Nang mapatayo ang kasamang babae, tinutukan din ito ng baril kaya tumakbo paalis ang babae.

Kaagad na tumakas ang gunman na nakasuot ng helmet, longsleeves at short pants papunta sa direksyon ng Tabun-Pandan Road.

Ayon sa Angeles City Police Station 3, ang biktima ay 30 anyos at isang negosyanteng Indian national habang ang babae ay napag-alamang live-in partner ng dayuhan.

Sa panayam ng pulisya sa live-in partner, nagpapautang sa lugar ang biktima at wala siyang alam na nagbabanta sa buhay ng dayuhan.

Patuloy ang imbestigasyon ng PNP para makilala at mahuli ang gunman at malaman ang motibo sa pagpatay sa biktima.