COVID-19 vs trangkaso: Ano ang pagkakaiba? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

COVID-19 vs trangkaso: Ano ang pagkakaiba?

COVID-19 vs trangkaso: Ano ang pagkakaiba?

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 11, 2021 06:11 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, tinalakay ng isang eksperto ngayong Miyerkoles ang pagkakaiba nito sa kapwa respiratory disease na trangkaso o flu.

"In terms po doon sa sintomas noong flu, malaki po iyong pagkakahawig noong mga sintomas na nakikita sa mga taong nagkakaimpeksyon ng flu at saka COVID," ani flu expert Dr. Donald Ray Josue.

Kasama aniya sa mga karaniwang sintomas ito ang lagnat, ubo, hirap sa paghinga, sakit ng lalamunan, at pananakit ng katawan.

"Karaniwan po iyong sintomas kung saan nawawalan po ng pang-amoy or panlasa, iyan po ay sintomas na makikita sa COVID ‘no more than sa flu," sinabi ni Josue sa isang public briefing.

ADVERTISEMENT

"Pero regardless po of the symptoms na nakikita natin doon sa flu at saka sa COVID, ang mahalaga pong maintindihan ng ating mga kababayan na maaari po nating proteksiyunan ang ating sarili sa pamamaraan po ng pagpapalakas po ng ating immune system," dagdag niya.

Hinikayat niya ang publiko na ugaliing kumakain ng gulay at prutas, mag-ehersisyo, at magpa-flu vaccine kada taon, sang-ayon sa rekomendasyon ng WHO.

"Ang akala po ng marami iyong simpleng trangkaso po ay ito po ay simpleng sakit lamang," ani Josue na vaccines medical director ng GSK Philippines. "Ang nais po nating ibahagi ay ang flu po ay maaari din po siyang magdulot ng mga komplikasyon."

Kabilang aniya sa mga posibleng komplikasyon mula sa trangkaso ang pneumonia o iyong impeksiyon po sa baga na maaaring maging dahilan para ma-admit sa ospital o pagkamatay.

Ani Josue, kasama sa mga grupong may "high-risk" na magkaroon ng komplikasyon dahil sa flu ang mga sumusunod.

  • Mga batang may edad na 6 na buwan hanggang 5 taon
  • Mga buntis
  • Mga may edad
  • May mga comorbidity gaya ng diabetes, altapresyon, sakit sa puso o sa bato, mga nagda-dialysis, o may cancer
  • Health workers na tumitingin sa mga pasyente

"Lahat po tayo maaaring tumanggap ng flu vaccination. Actually po, lahat tayo ay at risk na tamaan nung trangkaso na tinatawag," banggit ng doktor. "Ang recommendation po ay dapat annually tayo nagpapabakuna."

"Tatandaan po natin na magkaibang virus po iyong COVID at saka iyong flu... Ayaw po nating mangyari ay magkaroon din po noong tinatawag na flu outbreak. Ang mga eksperto tinatawag po ito na twindemic, ibig sabihin, apart from having a COVID pandemic, may potential na magkaroon tayo ng flu outbreak."

Ayon aniya sa pag-aaral sa Estados Unidos, ang mga pasyenteng may COVID-19 na dating nabakunahan laban sa trangkaso ay mas mababa ang nararanasang matinding infection o sepsis.

Mas mababa rin aniya sa mga taong may flu vaccine ang bilang ng nag-positive sa COVID-19 ay mga na-admit sa intensive care unit.

"Iyong pag-aaral po na ito, tinitingnan niya na potentially, maaaring mayroong maganda o positibong epekto ang pagpapabakuna [ng flu vaccine]," ani Josue.

"Siyempre po ongoing pa po iyong mga pag-aaral tungkol dito to really have that conclusion na may protection na nakukuha from flu vaccination versus COVID. Pero what is sure po and what is definite, is that if you get flu vaccinated, you are protected against the flu virus specifically."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.