Lumang bodega nasunog sa Puerto Princesa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lumang bodega nasunog sa Puerto Princesa

ABS-CBN News
Published Aug 11, 2019 03:51 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Nasunog nitong madaling araw ng Linggo ang isang lumang bodega sa Puerto Princesa City, ayon sa lokal na Bureau of Fire Protection (BFP).

Naiulat sa BFP ang sunog alas-4 ng madaling araw at naideklarang fire out alas-6:25 ng umaga.

Ayon kay Fire Officer 3 Rud Mark Anticano, posibleng sinadyang sunugin ang bodega.

"Ang origin of fire ay kalat-kalat. Nagmula ito sa iba’t ibang portion ng mga nakaimbak doon sa loob ng bodega. So ito po ay isa sa mga ebidensya na ito po ay sinadyang sinunog," ani Anticano.

Posible raw nabahuan ang salarin sa basurang nakaimbak sa bodega kaya sinunog ito.

"Maaaring 'yong mga basura doon ay nabubulok na at maaring mabaho na sa paligid kaya pinasok at sinadyang sunugin or maaring napagtripan lang at gusto lang mamerwisyo," ani Anticano.

May persons of interest na rin ang mga awtoridad kaugnay sa nagsimula ng sunog.

Nasunog din ang parehong bodega noong Mayo 2018 dahil sa "electrical ignition."

-- Ulat ni Arlie Cabrestante, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT