EXCLUSIVE: Binulag ang kasambahay, kulong habambuhay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
EXCLUSIVE: Binulag ang kasambahay, kulong habambuhay

Dominic Almelor,
ABS-CBN News
Published Aug 11, 2017 08:44 PM PHT
|
Updated Aug 13, 2017 12:47 PM PHT

Sinentensiyahan na ng Quezon City Regional Trial Court Branch 77 ng reclusion perpetua o 20 to 40 taon na pagkakakulong ang babaing amo ng minaltratong kasambahay na si Bonita Baran.

Habang-buhay na pagkakabilanggo ang iginawad ng korte kay Anna Liza Catahan, habang 8 hanggang 14 na taong pagkakabilanggo naman ang sa asawa nitong si Reynold Marzan dahil sa kasong serious illegal detention sa kasambahay na si Baran.

Naging kontrobersiyal ang kaso ni Baran dahil sa pangmamaltrato at pang-aabusong ginawa sa kanya ng kanyang amo. Pinaso ng plantsa, pinalo ng figurine dumbbells ang kanyang mukha at ulo, tinusok ng gunting, pinakain ng ipis, at pinakamasaklap, tinusok ang parehong mata na naging sanhi ng kanyang permanenteng pagkabulag.

Sumuko noon ang mga suspek at naimbitahan pa sa pagdinig sa Senado at iginiit na self-inflicted ang ginawa ni Baran sa kanyang sarili.

ADVERTISEMENT
Sa pagsusuri ng PAO Forensic Laboratory, higit 200 mga pasa at sugat ang kanilang nadiskubre sa katawan ni Baran at senyales na tinorture siya.

Hindi niya nagawang magsumbong o makatakas dahil naka-double lock parati sila sa bahay.

Inihatid lang siya ng kanyang mga amo at inihabilin sa kundoktor ng bus pauwi ng Virac, Catanduanes noong 2012 at may padala pang TV. Pero bulag na noon si Baran.

Doon na nagreklamo sa pulisya si Baran at hinawakan na ng PAO ang kaso.

Nakulong noon ang mag-asawang Marzan pero nakalaya dahil nag-piyansa si Reynaldo Marzan habang nakapiit naman sa Kampo Karingal ang babaing amo dahil hindi siya pinayagang magpiyansa ng korte.

May 15 araw para iapela ng kampo ni Reynaldo ang kanyang petition to bail hanggang Korte Suprema pero 'pag naibasura ito ay bubunuin niya ang 8 hanggang 14 na taong pagkakakulong bilang accomplice ng misis sa kasong serious illegal detention.

Masayang-masaya naman si Baran nang makaharap ang ABS-CBN News. Sa kabila ng dinanas na kalbaryo sa kamay ng mag-asawang Marzan, nakamit din niya sa wakas ang hustisya.

Kahit pa nawalan na siya ng paningin, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa sa buhay at umaasa pa rin ng himala na makakakita pa ang isa niyang mata bagamat sinabihan na siya ng doktor na parehong bulag na ang kanyang mga mata.

Nasa pangangalaga ngayon ng Witness Protection Program si Baran.

Para kanya, wala pa ring kapatawaran ang ginawang pagmamalupit sa kanya ng mga amo at dapat silang magdusa sa kulungan.

Para sa PAO, isang patunay ang kaso ni Baran na umiiral pa rin ang hustisya sa bansa.

Si Baran din ay maituturing bayani ng mga kasambahay dahil sa kanyang kaso naisabatas ang Kasambahay Law na nagpalawak pa ng proteksiyon para sa mga kasambahay hindi lang para magkaroon sila ng mga benepisyo, kundi ang ituring silang mga kapamilya ng bawat tahanan.

Read More:
Bonita Baran
kasambahay
maltrato
reclusion perpetua
tagalog news
kasambahay law
Tagalog News
PatrolPH
habambuhay na pagkakulong
kulong
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT