Bangkay na walang ulo natagpuan sa Tacloban | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bangkay na walang ulo natagpuan sa Tacloban

Ranulfo Docdocan,
ABS-CBN News
Published Aug 11, 2017 08:45 PM PHT

TACLOBAN CITY– Natagpuan ang isang bangkay na walang ulo sa isang bangin sa Barangay Salvacion, Tacloban City nitong Huwebes.

Ayon kay Chief Insp. Steve Castillote III, hepe ng Tacloban City Police Office Station 2, may taling packaging tape at nylon ang paa ng bangkay.

Tinatayang posibleng mag-iisang linggo nang itinapon sa lugar ang nasabing bangkay dahil naaagnas na ito.

Ang bangkay ay isang lalaki, nakasuot ng pulang t-shirt at maong na pantalon.
Ang bangkay ay isang lalaki, nakasuot ng pulang t-shirt at maong na pantalon.
ADVERTISEMENT
Ayon naman sa Scene of the Crime Operatives (SOCO), nakuha mula sa kaliwang bulsa ng pantalon ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

“Dalawang sachet ng crystalline substance, isasailalim sa eksaminasyon kung ito ba ay shabu o cocaine, maggawa ako ng request sa aming chemist para dito,” ani SOCO Chief Inspector Edwin Zata.

Ayon naman kay Castillote, posibleng biktima ng summary execution ang bangkay dahil pinugot ang ulo at tinalian pa ang mga paa nito.

“Ina-abduct, itinatago at pinapatay sa isang lugar nang walang rason, isa siyang biktima,” ani Castillote.

Ayon kay Barangay Chair Trinidad Quero, hindi residente sa kanilang barangay ang nasabing biktima dahil walang naiulat na nawawala sa kanilang lugar.

“Basura lang noon ang itinatapon, ngayon tao na. At hindi 'yun taga rito dahil kung taga rito may nagreklamo na,” ani Quero.

Dahil walang pagkakakilanlan ang nasabing bangkay, kumuha ng bahagi ng buto nito ang SOCO upang isailalim sa DNA test para makilala ito.

Dagdag ng SOCO, hindi maaring isailalim sa autopsy ang bangkay dahil kailangan ng permiso mula sa mga kamag-anak.

Inirekomenda rin ng SOCO na pansamantalang ilibing ang nasabing bangkay habang wala pang kamag-anak na kumukuha rito.