PANOORIN: Lalaki nagnakaw ng nakaparadang motorsiklo sa QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PANOORIN: Lalaki nagnakaw ng nakaparadang motorsiklo sa QC

Lyza Aquino,
ABS-CBN News
Published Aug 10, 2023 07:41 AM PHT

Arestado ang isang 28-anyos na lalaki na nahuling 2 beses na nagnakaw ng mga nakaparadang motorsiklo sa NS Amoranto Street sa Quezon City.

Ayon kay Police Lt. Col. Romil Avenido ng La Loma Police Station, June 1 nang unang makuhanan sa CCTV ang suspek na tinatangay ang nakaparadang motorsiklo sa lugar. Hindi na na-recover ang motorsiklo.

Nakunan din ng CCTV noong Martes ang suspek na may tinangay na panibagong motorsiklo sa isang convenience store sa lugar.

May-ari ng motorsiklo ang isa sa mga empleyado ng convenience store na agad humingi ng saklolo sa mga rumorondang pulis.

“Agad agad namang nag-conduct ng hot pursuit operation 'yung patrol car at nagpatunog ng wangwang so naalarma itong suspect at agad na pumasok sa North Cemetery. Doon natin sinundan at sa tulong ng barangay doon at magulang ng suspek ay napasurrender itong suspek,” ayon kay Avenido.

Sa dalawang insidente, parehong naiwan ng mga may-ari ang susi ng kanilang motorsiklo.

Aminado ang suspek na tinangay niya ang mga motorsiklo.

"Wala eh kailangan dala po ng pangangailangan din po," paliwanag ng suspek.

Mahaharap siya sa kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Law.

May paalala rin ang otoridad para sa lahat ng mga motorcycle riders.

"Huwag masyadong pakampante. Kailangan kapag iniwan natin ito dapat properly parked at siguraduhin natin nasa atin ang susi," ani Avenido.