PatrolPH

1 sugatan sa pananalasa ng buhawi sa Abra

Micaella Costales Ilao, ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2019 01:59 PM

1 sugatan sa pananalasa ng buhawi sa Abra 1
Photo courtesy of Abra PDRRMO

BAGUIO CITY – Anim na pamilya ang nawalan ng tirahan sa pananalasa ng buhawi sa bayan ng Bucloc sa Abra, Biyernes ng hapon.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, malapit sa ilog ang mga bahay na nasira ng buhawi. Bukod dito, kasama ring nasalanta ang mga taniman ng mga residente.

Napag-alaman na isa sa mga residente ang nagtamo ng sugat mula sa insidente. Wala pang ibang detalye na ibinibigay ang awtoridad. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.