PatrolPH

Higit 20 toneladang tilapia tinamaan ng fish kill sa Taal Lake sa Batangas

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2022 05:26 PM

fish kill

Aabot sa 20 tonelada ng isdang tilapia ang namatay sa Taal Lake sa Agoncillo, Batangas.

Sinabi ngayong Martes ni Agoncillo agriculture officer Olive Mirasol na naapektuhan ng fish kill ang 43 fish cage sa Barangay Banyaga at Bilibinwang.

Tinatayang nasa P3 milyon halaga ng isda ang namatay.

Nagsimula umano ang pagkamatay noong Sabado hanggang umaga ng Linggo matapos mapansing biglang lumabo ang tubig sa Taal Lake.

Batay sa pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, bumagsak ang oxygen level sa lake kaya namatay ang mga isda.

Agad ding inilibing ang mga isda dahil nag-umpisa nang magdulot ng mabahong amoy.

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.