City hall ng La Carlota sa Negros Occ., ilo-lockdown nang isang linggo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
City hall ng La Carlota sa Negros Occ., ilo-lockdown nang isang linggo

Martian Muyco,
ABS-CBN News
Published Aug 09, 2020 10:31 PM PHT

Isasarado nang isang linggo ang city hall ng La Carlota City sa Negros Occidental matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado nito.

Simula ngayong Lunes hanggang Biyernes, pansamantalang isasara ang city hall ng lungsod.

Ayon kay Mayor Rex Jalando-on, isang executive assistant niya ang nag positibo sa COVID-19.

Dahil dito, sabi ng alkalde ay sumailalim na siya sa swab test pati na ang mga kasamahan niya sa opisina.
Dahil dito, sabi ng alkalde ay sumailalim na siya sa swab test pati na ang mga kasamahan niya sa opisina.
ADVERTISEMENT
Sabi pa ni Jalando-on na siya at 15 pang empleyado ng lungsod ang isinailalim sa swab test dahil sa madalas mag-ikot sa mga opisina sa city hall ang positibong executive assistant.

Martes nang mag swab test ang executive assistant at Biyernes nalaman na nagpositibo ito sa COVID-19.

Galing Bacolod City umano ang empleyado ayon sa alkalde.

Nag-disinfect na noong Sabado sa city hall at gagawin ito ulit ngayong Lunes.

Suspendido rin ang trabaho sa city hall ayon sa alkalde at inabisuhan ang mga empleyado na mag-isolate muna sa kanilang mga tahanan.

Patuloy naman ang contact tracing ng lungsod sa iba pang mga direct contacts ng nagpositibo maliban sa mga nakasalamuha nito sa city hall.