Parte ng East Ave. Medical Center gagawing COVID-19 dedicated hospital | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Parte ng East Ave. Medical Center gagawing COVID-19 dedicated hospital

ABS-CBN News
Published Aug 07, 2020 08:23 PM PHT

MAYNILA - Gagawing COVID-19 dedicated hospital ang bagong gusali ng East Avenue Medical Center sa Quezon City.

Ito ay matapos mapunta sa "danger zone" ang bed capacity ng mga COVID-19 dedicated hospitals sa Metro Manila. Nasa 70 porsiyento na ng hospital beds sa rehiyon ang okupado ng mga COVID-19 patient.

Unang nabanggit ng pamahalaan na gagawing COVID-19 dedicated ang buong ospital.

"Buong ospital na po ang ibibigay na dedicated sa COVID. Kung ang bed capacity ay kunyari 300 o 400, 'yun po ang beds lahat na available sa COVID," ani COVID-19 National Task Force spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla.

Ayon sa National Task Foce COVID-19, ngayong nakasailalim sa MECQ ang Metro Manila, target nila mai-convert bilang COVID-dedicated hospital ang EAMC.

Pero paliwanag ni EAMC chief Dr. Alfonso Nuñez III, ang bagong gusali lang sa loob ng compound ang gagawin nilang COVID-19 hospital.

Anim na palapag ang gusali, pero sa ngayon ang unang 2 palapag pa lang ang operational at ginagamit para gamutin ang mga pasyenteng may COVID-19.

Aminado si Nuñez na kulang ang kanilang mga tauhan at kagamitan kaya hindi pa mabuksan ang buong ospital.

"It's originally intended for trauma, neurosciences and emergency cases, but this has been proposed to be the COVID-19 hospital. May sariling ER, dialysis center, radiology services, CT scan, ICU beds and support services like pharmacies," ani Nuñez.

"Manpower-intensive ang pangangalaga ng COVID patients. By using our own manpower and manpower given by DOH, hindi pa rin sapat para buksan ang buong hospital," dagdag niya.

Sa 600 bed capacity ng EAMC, 182 ang para sa COVID patients. Sa pagbubukas ng COVID hospital, magkakaroon ng 250 beds para sa isolation ward, at 30 kama sa intensive care unit.

Dito na rin ililipat ang mga pasyenteng may COVID-19 mula sa lumang gusali.

Pakiusap ni Nuñez sa publiko, laging sundin ang minimum health standards.

Hinikayat din niya ang mga COVID-19 patient na may asymptomatic at mild na sintomas na sa quarantine facility muna ng pamahalaan magpa-admit para mas matutukan ng ospital ang mga kritikal at severe na kaso

-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
East Avenue Medical Center
Quezon City
COVID-19
COVID-19 update
COVID-19 update Philippines
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT