BFAR: 2 lugar sa Negros Oriental positibo sa red tide | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
BFAR: 2 lugar sa Negros Oriental positibo sa red tide

ABS-CBN News
Published Aug 07, 2020 03:15 PM PHT

Ipinagbabawal ang pagkain ng shellfish mula sa baybayin ng Bais City Bay at Tambobo Bay sa Siaton, Negros Oriental dahil sa red tide, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sa inilabas na advisory ng BFAR nitong Hulyo 30, sinabi doon na nagpositibo sa red tide toxin ang mga nakuhang water samples mula sa naturang baybayin kung kaya't hindi ligtas ang pagkain ng shellfish mula dito.

Paglilinaw naman ng BFAR na ligtas kainin ang isda, hipon o sugpo at pusit.

Naipagbigay-alam na rin ng BFAR sa Office of the Provincial Agriculturist ng Negros Oriental at City and Municipal Agriculture Office ng Bais City ang impormasyon hinggil sa red tide.

ADVERTISEMENT
Samantala, negatibo sa red tide toxin ang baybayin ng Negros Occidental.

Ayon kay Ruel Almoneda, ang Fisheries Division Chief ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ng Negros Occidental, negative sa red tide toxin ang isinagawa nilang water sampling sa baybayin ng lalawigan.

Kada buwan naman nagsasagawa ng water sampling ang OPA.