Duterte, nagpaabot ng tulong sa mga pamilya ng biktima ng trahedya sa Iloilo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Duterte, nagpaabot ng tulong sa mga pamilya ng biktima ng trahedya sa Iloilo

Duterte, nagpaabot ng tulong sa mga pamilya ng biktima ng trahedya sa Iloilo

Cherry Palma,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 08, 2019 01:38 AM PHT

Clipboard

Nagpaabot ng tulong-pinansiyal si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng mga biktima ng trahedya sa karagatan sa bahagi ng Iloilo Strait noong Sabado.

Bakas sa mukha ng pangulo ang labis na kalungkutan habang pinapakinggan ang naging karanasan ni Ma. Nieves Grandeza, isa sa mga nakaligtas sa paglubog ng MB Jenny Vince.

Siyam na kamag-anak ng kasintahan ni Grandeza ang nasawi sa insidente, kasama na ang 3 anyos nilang anak.

Kasama ni Duterte si Senador Bong Go sa pagdalaw sa mga pamilya ng mga biktima.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Provincial Social Welfare and Development Officer Neneth Pador, maliban sa P50,000 na ibinigay ng ahensiya sa mga biktima, nag-abot rin ng dalawang sobre sina Duterte at Go sa mga pamilya ng mga biktima.

Nakatanggap rin ng cellphone ang bawat miyembro ng mga pamilya. May mga bata ring nakatanggap ng sapatos mula kay Go.

Ayon sa mga kaanak ng mga namatay, nakabawas sa kanilang kalungkutan ang pagbisita ng pangulo.

Ayon naman kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, hindi pa napapag-usapan ang proyektong pagpapagawa ng tulay na magdudugtong sa Iloilo at Guimaras.

Mas tinutukan umano ng pangulo ang pagdadagdag ng air and water assets para mas mapabuti ang rescue operations at maaasahang magagamit rin ang mga ito sa panahon ng kalamidad at iba pang kagipitan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.